Sa isang abandonadong building malapit sa BBU. Dumating ang mga tauhan ni Rick bitbit ang lalaking inutusan niya na hanapin si Lisa.
Puno ito ng sugat at pasa sa mukha. Takot na takot ito ng makita si Rick. Lumapit siya dito at lumuhod sa harap niya habang nakahawak sa pantalon nito.
"Boss bigyan niyo pa ko ng isang pagkakataon. Pa-pangako mahahanap ko na siya." Nanginginig na ito sa takot.
Sinipa siya ni Rick at inapakan sa mukha. "Dalawang buwan lang ang oras na binigay ko sayo pero hindi mo nagawa!" Umalingaw-ngaw ang sigaw ng lalaki ng mas diinan nito ang pagtapak sa mukha niya.
"Hindi ako naniniwala sa second chances kaya sorry ka na lang." Sinipa niya ulit ito sa sikmura at napapilipit ito dahil sa sakit.
"Patayin na 'yan."
"BOSS! PARANG AWA NIYO NA PO BO---"
Isang putok ng baril ang pinakawalan ng isa sa mga tauhan niya diretso sa ulo nito at humandusay ang walang buhay na katawan ng lalaki kasabay ang pagdanak ng dugo sa sahig.
"Linisin niyo na 'yan." At umalis na si Rick. Sakay sa kanyang sasakyan ay tinawagan niya ang isa sa mga kilala niyang private investigator.
He'll be the new one to search for Lisa. If he also fail. Sa impyerno ang diretso niya.
Napayukom ang kamao ni Rick dahil sa galit. "Bakit ang ilap mo Lisa? Kahit saan ka pa magtago. Mahahanap din kita. "
"Hindi mo na kailangan mag-alala dahil kapag nakuha ko na ang gusto ko sayo. Isusunod na kita sa Mommy mo."
BINABASA MO ANG
BOOK 1: Stay With Me
Fanfiction"In this world full of lies my only truth is you." - Lalice Fuego 💕