Chapter Sixteen

1.5K 89 10
                                    

~Jisoo's POV~

Pagbukas ko ng pinto nagulat ako ng makita si Jennie na sitting pretty sa couch habang may kandong na isang bowl ng popcorn at nanonood ng Insurgent.

Feel na feel at home ang luka sa bago naming tirahan.

"Kanina ka pa?" Tanong ko sa kanya.

"About an hour ago." She replied without looking at me.

Hinila ko na papasok ang dala kong maleta at dumeretso sa magiging kwarto ko. Or should I say kwarto namin--- me and Lisa.

I don't really have any idea na si Rosé at Jennie ang makakasama ko sa grupong ito na bubuuin ng YG. Ang galing din kasi umarte ng dalawang 'yon. Akala mo walang tinatago 'yun pala meron.

Ako nahirapan ng sobra na hindi mapadaldal sa kanila lalo na ng malaman ko na magdedebut ako sa isang girl group. I tried my very best not spill anything and luckily I succeeded.

Pero I am really hoping na sana sila talaga ang mga makakasama ko and it was a wish granted.

Rosé, Jennie and I, this is our dream and I'm so happy na magkakasama kami na tutupad sa pangarap namin na 'to. Isama na din natin si Lisa tutal she's one of us now.

I don't have any complains with her being with us in a group. Alam kong cold-hearted siya at may pagka-suplada pero sa tingin ko naman mabait siya at mabilis pakisamahan.

I know Rosé's thinking the same way. Sa totoo lang gusto niya pa nga maging kaibigan si Lisa but Jennie, well she obviously don't like her.

Sana magkasundo silang dalawa.

Right after na i-confirmed ni President na kami ang apat na napili ni Papa YG sinabi niya din na simula ngayong araw titira na kami ng sama-sama sa loob ng BBU. Kaya nandito kami ngayon ni Jennie.

Hindi ko lang alam kung nasan na 'yung dalawa. Siguro naman padating na din sila. Darating kasi si Papa YG para kausapin kami. It's my first time meeting him, malimit ko lang kasi siya makita sa mga interviews. Hindi naman pati siya napapadpad dito sa BBU.

Iniligay ko muna sa isang sulok ang maleta ko. Our room is pretty big. Dalawa ang kama at halos lahat ng gamit sa loob good for two persons. I even saw two Macbooks na nakapatong sa bawat kama. Sa amin kaya 'to?

Lumabas ako ng kwarto at iginala ang paningin ko, ngayon ko lang narealize na sobrang lawak pala dito. Well what would I expect sa isang Luxury Class na kwarto dito sa Dormitory Hotel.

May dalawang CR. A two-door refrigerator. May bar counter. The kitchen is pretty big also at kumpleto sa gamit. The dining area is just beside the kitchen. The largest area in the room is the receiving area kung saan busy pa rin si Jennie na nanonood.

So totoo pala talaga na kapag YG ang humawak talagang pinagkakagastusan nila. Napangiti ako bigla. You're one lucky girl Ash Jisoo.

Naupo ako sa tabi ni Jennie at dumakot ng popcorn sa bowl. Napalingon kami pareho sa may pinto ng bumukas iyon at pumasok si Jin.

Bigla akong nabulunan kasi nalunok ko ng buo 'yung popcorn. Ramdam kong bumara siya sa lalamunan ko kaya napatakbo ako sa ref para kumuha ng tubig at dali-daling uminom.

Hindi ko alam kung bakit nagulat ako ng makita si Jin. Maybe I didn't expect him to be here.

"Oy Jisoo okay ka lang?" Tanong sa akin ni Rosé.

Tumango ako sa kanya. Nakita kong nakatingin sa akin si Jin kaya napaiwas ako ng tingin. Bakit ang awkward? Pakshet.

BOOK 1: Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon