~Vaughn's POV~
Nagpasama ako kay JK dalawin si Lisa tutal katabi lang naman namin ang kwarto niya. Bigla kasi akong kinabahan at siya agad ang naisip ko kaya hindi ako mapakali na hindi siya puntahan.
Pagbukas namin ng pinto, bumungad sina Ralph at ang iba pa.
"Sakto labas niyo. Puntahan natin si Lisa." Aya ni Jimin sa amin.
"Doon nga punta namin." Sabi ni JK.
Pinandilatan ko siya at bahagyang siniko. Ilaglag ba naman daw ako?
"Ayiieee Taehyung ha!" Kantyaw ni Jhope na may paghampas pa.
"Mga gago. Tara na nga." Pag-iiba ko sa usapan at naunang maglakad papunta sa pinto ng kwarto ni Lisa.
The door is lightly open kaya hindi na nag-abalang kumatok si Ralph.
Nagulat ako ng makita ko si Suga na katabi ni Lisa habang nababalot ito ng kumot at nakasandal sa balikat niya. Mukha pa silang parehong tulog.
I greeted my teeth. Anong ibig sabihin nito?
"Santillan?! Anong ginagawa mo dito?!" Malakas na saad ni Ralph ng magmulat si Suga ng mata at mapatingin sa amin.
Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanilang dalawa.
Care to explain Santillan?
Biglang naalimpungatan si Lisa, dahil na din siguro sa lakas ng boses ni Ralph. Kita ang pagkagulat sa mukha niya ng magtama ang paningin nilang dalawa.
Their face was too close to each other and that scene suddenly annoyed me.
Napaayos siya na upo at ganon na din si Suga.
Matiim na nakatingin sa kanila si Ralph at hindi maipinta ang pagmumukha. Hindi umiimik si Suga habang si Lisa naman ay nakatingin sa pinsan niya.
"It's not what you think okay? Tinulungan lang ako ni Suga." Biglang imik niya.
"Oh tinulungan naman pala e. Chill na tayo guys. Ang seseryoso niyo masyado e." Banggit ni Jin na sinusubukang ibahin ang kasalukuyang atmosphere.
I tried to read Lisa's face. Gusto kong malaman kung nagsasabi ba siya ng totoo.
Minsan kasi mahirap na magtiwala lalo na kung nasaktan ka ng sobra.
I felt a stab in my chest when I remembered the day that she left me without saying any words. Parang may bumara sa lalamunan ko at biglang sumama ang pakiramdam ko.
I hate having flashbacks in my mind.
"Lisa okay lang?" Nilapitan ni Ralph si Lisa ng makita niya na mapahawak ito sa tagiliran niya.
Tinanggal niya ang kumot na nakabalot dito at tumambad sa amin and damit niya na puro mantsa ng dugo at may mga gupit na parte. Halatang bagong benda ang sugat sa braso at sa may tagiliran niya.
"Wag ka masyado gumalaw. Baka bumuka ulit mga sugat mo." Bilin ni Suga sa kanya.
"Sh*t! Anong nangyari sa kanya?" Nag-aalalang tanong ni Jimin.
"Bumuka mga sugat niya kanina. I already treated her pero kailangan niya mag-ingat sa pagkilos 'cause the wound might open up and bleed again." Pagpapaliwanag sa amin ni Suga.
I felt a sudden relief knowing She's not lying at all.
"Aish. Mabuti na lang nandiyan si Suga." -Jin.
"Salamat bro." Ani Ralph at tinapik si Suga sa balikat. He also apologize to him dahil sa inasta niya kanina. Basta talaga tungkol kay Lisa walang exception pagdating kay Ralph.
BINABASA MO ANG
BOOK 1: Stay With Me
Fanfiction"In this world full of lies my only truth is you." - Lalice Fuego 💕