~Jungkook's POV~
Naramdaman ko na unti-unti na siyang kumakalma pero humihikbi pa rin siya. Hindi ko alam kung effective ba ang ginawa kong pagyakap sa kanya. I'm not good in giving advice kaya niyakap ko na lang siya to make her feel comfortable. Sana natulungan ko siya kahit papaano.
Hinawakan ko siya sa balikat at tiningnan sa mga mata. "Okay ka na ba?" Pinagmasdan ko ang mata niyang namumugto at mga pisngi na sobrang namumula.
Bahagya siyang tumango bilang tugon sa tanong ko.
"Mabuti pa magpahinga ka na muna. Ihahatid kita sa kwarto mo."
Nakayuko lang siya at hindi umiimik. Heto na naman siya.
Naglakad ako pauna at ramdam ko na nakasunod siya sakin. Bigla siyang tumigil kaya naman napatigil din ako. Paglingon ko nakita ko siya na nakatayo lang at parang wala sa sarili.
Ng pumikit siya doon na ko napatakbo dahil bigla siyang nahimatay. Mabuti na lang agad ko siyang nasalo bago pa man siya tumama sa sahig.
"Lisa!" Inuga-uga ko siya pero hindi siya gumigising. Doon ko lang narealize na namumutla na siya.
Nagsimula na naman ako makaramdam ng pag-aalala.
Agad ko siyang binuhat papunta sa clinic. Sa kaba ko hindi ko alam kung paano ko siya nabuhat mula rooftop hanggang first floor. Natatakot ako sa kung anong mangyayari kapag di ko siya agad nadala sa clinic.
Habang buhat ko siya pinagtitinginan kami ng mga estudyante.
When I finally brought her to the clinic, the nurse instructed me to stay while she's doing some tests to her. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko.
Bakit kaya siya nahimatay? Dahil ba sa sobrang pag-iyak? O dahil sa sugat niya? O Baka dahil sa yakap ko?
Aish. Ano ka ba Jeon Jungkook Salazar? Kung ano-ano iniisip mo.
Biglang bumukas ang pinto at humahangos na pumasok si Ralph, kasunod si V.
"JK ano nangyari?"-Ralph.
Maya-maya pa dumating din si Jimin, Jin, Suga at Jhope.
Nakita ko siyang umiiyak at pagkatapos ko siya yakapin bigla na lang siya nahimatay. Pero syempre hindi ko sinabi 'yon.
" Bigla na lang siya nawalan ng malay."
"Bakit?"-Jimin
" Kamusta na siya?"-Jhope
"Buhay pa ba si Lisa?" -Jin
Sabay na sinamaan ng tingin ni Ralph at V si Jin dahil sa sinabi nito. "Sabi ko nga buhay pa." Napakamot pa siya sa ulo sabay iwas ng tingin sa dalawa.
Bumukas ang blinds at lumabas ang nurse. Nakahiga si Lisa, kung ikukumpara kanina mas bumuti na ang hitsura niya.
"Nurse kamusta po siya?" Tanong agad ni Ralph dito.
"She's fine now, kapag nagising siya pwede niyo na siyang iuwi." I felt a sudden relief.
"But please bantayan niyo siyang mabuti, nahimatay siya because of over fatigue, there are also signs of too much stress so please tell her to have proper sleep and take time to eat as much as possible."
Over fatigue and stress. She must've been undergoing emotional breakdown. Hindi naman siya iiyak ng ganon ng wala siyang mabigat na pinagdadaanan. Seeing her being like that I while ago, hindi ko maiwasan na hindi mapaisip kung ano ba ang nangyayari sa kanya?
Alam ko may tinatago sila sa amin ni Ralph and I think that's one of the reason while she's being stressed out.
Pero ano?
BINABASA MO ANG
BOOK 1: Stay With Me
Fanfiction"In this world full of lies my only truth is you." - Lalice Fuego 💕