Chapter 20: Birthday II

1.4K 30 0
                                    

•Cyle's POV•

Grabe nabusog ako sa handa ko kaninang madaling araw.

Akala ko nga babangungutin ako neto eh.

Nandito kami ni Kyle sa classroom. Recess na kasi at nasa cafeteria na lahat ng students kaya wala na dito sa classroom katao-tao.

Busy kasi si Rhea sa meeting nila.

Ang daming dumadaan na students dito na nagbibigay ng regalo kasi alam nilang birthday ko.

Eto naman si Kyle, sya nag-oopen baka daw may patibong or gagamba.

Baliw. -_-

"Sht!"sigaw ni Kyle kaya napatingin ako sa kanya.

Anyare dun?!

Agad na lumapit ako at tinignan yung regalo.

May laman na ipis.

Yan kasi karma, eh nagbubukas ng hindi naman nya regalo.

"Takot ka sa ipis?"tanong ko habang sinisipsip yung binigay sa akin na lollipop na milkita.

Ang sarap~

"No."sagot nya at kinuha yung isa sa milkita ko na sinusubo at sya namn ang sumubo.

"Milkita ko yan!"sigaw ko pero late na.

"You got a lot of these."sabi nya sabay turo ng isang plastik ng milkita.

"Psh."inis ko tsama tumalikod na.

Sobrang dami naman kasing nagregalo sa akin. Hindi naman ako sikat.

Hayts tapos yung iba--- 8 na palaka, 10 gagamba, 7 butiki at 5 daga tsaka pala 1 ipis.

Hayts, yung iba magagandang regalo na.

Ganun ba talaga 'pag sikat?

"Miss Cyle."may tumawag sa akin kaya napatingin kami ni Kyle sa pinto.

Nagulat ako sa hawak ng lalaki.

Woah! Ang laki naman nun! Ano kaya yun?

"May nagpapabigay."sabi nya kaya kinuha ko yung malaki at malambot at magaan na dala nya at nag thank you sa kanya.

Hinanap ko kung kanino galing pero walang nakalagay.

Pinunit ko na yung balot at namangha ako sa nakita ko.

OMG! Thanks talaga sa nagbigay sa akin! Brown big teddy bear!

Hinug ko sya ng napakahigpit.

"Tss, another gift."sabi ni Kyle sabay bigay sa akin ng kwintas na may naka-ukit na 'Sorry' naalala ko tuloy si Jace.

Tinago ko na muna yun sa bulsa ko, mamaya ko yun itatapon.

Susulitin ko muna pagkahug ko dito sa big bear.

"Tss. Really love that bear?"tanong sa akin ni Kyle habang nakahalumbaba sa arm chair at nakatingin sa akin.

"Sobra"sagot ko sa kanya at nadinig ko syang napa smirk.

"So how about the ring I gave to you?"tanong nya kaya napatingin ako sa kanya.

Nakita ko syang nakangiting nang-aasar kaya umayos ako ng upo at inalis ko pagkakayakap ko sa bear.

"Pero mas sobra pa yung binigay mo 'noh! May special letter pa kaya."sagot ko at tumawa ng napakalakas.

"Psh! Shut up."sabi nya na parang naaasar.

"Alam mo Kyle, may nightmare ako kanina."sabi ko sa kanya.

Daring Care [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon