Chapter 46: Ache

988 16 0
                                    

•Chera's POV•

Nandito ako, kumakain habang nagbabantay kay ate Eunhae. It's been two weeks at lahat bumalik sa dati. Seryoso na minsan si kuya sa trabaho nya, umaangat na din yung kompanya nila Kuya Kyle. Oo bumalik sa dati pero si ate Eunhae hindi pa.

"Ang hanggang kailan ka pa ba matutulog, ate?"tanong sa kanya habang nakahawak sa kanyang kamay. Nagulat ako biglang may gumalaw sa kamay nya, tinignan ko yun pero wala namang ipis. Nilalanggam na ata si Ate Eunhae sa tagal nyang nakababad dito. 

"Gaaaahhh!!"napatayo ako ng biglang umangat ang ulo ni ate at huminga ng napakalalim na parang nalunod sa tubig. Naginhawaan ako, sabi na huwag mawawalan ng pag-asa.

"Ate!!"sigaw ko at niyakap si Ate Eunhae, malawan na nakangiti ako habang si ate ay tahimik lang. Kumalas ako sa pagkakayakap at nakita ko ang mata nyang inosenteng nakatingin sa akin.

"S-sino ka?"inosenteng tanong ni Ate Eunhae sa akin na parang stranger ako sa kanya at hindi nya ako kilala.

"Don't me ate! Ano may amnesia ka? Paano mo naalala yung sentence na 'sino ka?' Hahaha! Yun na ba yung unang word na nalalaman ng tao, akala ko 'mama' eh."natatawa kong bigkas at hindi ko namalayan na tumutulo na pala luha ko.

"Tubig."napatingin akin kay ate na malungkot na nakatingin sa luha ng aking mata. Tumingin sya sa akin at ngumiti ng sobrang lawak.

"Ate, nakalimutan mo na ako, nagawa mo pa rin ngumiti."malungkot kong wika. Nakatingin pa rin sya sa akin at konti-konting lumalapit sa akin.

Kinurot nya pisngi ko at hinatak. "Ngiti."nakangiting wika ni ate habang hinahatak ang pisnge ko para magform ng isang ngiti. Hindi ko maiwasang umiyak, sh*t! I badly missed you, Ate!

Tinawagad ko na lang ang doktor para obserbahan sya at sunod namang pumasok ay si kuya na masayang yumakap kay ate at si mama pati si papa na yumakap din.

Halo-halo ang emosyon sa aking isip.

Masaya, kasi nagising na si Ate Eunhae at nagsalo-salo ulit kami.

Malungkot, kasi hindi nya kami naaalala.

Natatakot, kasi baka maging permanent amnesia nya.

Excited, kasi excited akong makilala sya muli, tatanggapin ko sya bilang ate ko.

Naiinis, kasi binalitaan ko na si Kuya Kyle pero hindi daw sya makakarating. Seriously? Mahal pa ba nya si ate? Psh.

Nandito kami pinapakilala kung sino kami at ano tawag sa amin. Para din maalala nya.

"Ikaw si Chera..."kinakabisado nya habang makaturo sa akin at tumango ako, ngumisi naman sya salin ng parang bata.

"Ikaw is Kuu-ya Cha-ni-ye-ol..."nahihirapan nyang pagbibigkas. Tumango si kuya tska hinimas ulo ni ate Eunhae at ngimiti na naman ito na parang bata.

"Mom and Dad, right?"tanong ni ate habang nakangiti kay mama at papa. Tumango si mama at ngumiti pero para syang iiyak.

"Me?"tanong nito sa sarili nya. Hindi pa namin nasasabi sa kanya pangalan nya. Nagtatakha sya kung ano pangalan nya.

"Eunhae Cyle Park."sagot ni kuya kaya napatingin ako sa kanya. Ngumisi sya sakin at kumindat para manahimik at sundin na lang sya.

"You are Eunhae Cyle Park, 19 years old and 3rd year college in the course of Business Administration."I gasped, hindi ko alam kung ano pumasok sa utak ni kuya at pati taon nya ay iniba. She's Eunhae Park-Presbitero. 21 years old and a graduated college student. How come?

"Ah."tumango-tango ito na parang nagets na nya. Ate, I'm sorry.

****

•Eunhae Cyle Park's POV•

Daring Care [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon