Chapter 41: Bullet

1K 17 1
                                    

•Eunhae's POV•

"How's Chera?"bungad sakin ng kuya kong sobrang alala sa aking kapatid pagkapasok ko sa main office.

"She need some rest."walang ganang sagot ko at umupo na sa sopa. Hayts, problema talaga minsan sa buhay na puno ng disgrasya.

"Yeah, I should kill her if you want."giit ni Kuya kaya napatingin ako sa mata na. Tumaas ang balahibo ko at feeling ko namumutla na ako. Ngayon ko lang syang nakitang ganito, nakakatakot. Oo, nakakatakot. Yung dating nakakatakot nyang aura na kinakatakutan ko dati ay mas lumala. Maski ako na nakaranas nang pumatay at mabaril ay natakot din. Ibang-iba sya sa dati nyang ugali. Animo'y makakapatay na sya ng higit sa isang daang tao sa loob ng isang minuto. Pansin kong nakatingin sya sakin na parang hinihintay sagot ko. Shit!

"A-ah. Chera wil be f-fine... Soon! I-ikaw na b-bahala sa sarili mong d-desisyon."urgh! Di ko maiwasang kabahan, hindi ko rin magawang tumingin sa umaapoy nitong mata. Nakakatakot.

Natahimik na lang ako ng tumayo si Kuya at kinuha ang iisa nyang baril. Lumabas sya sa office ng walang sinasabi maski isang word, walang emosyon at hindi mabasa ang kanyang mga mata pero mangingilapot ka na lang kung maramandaman mong nakatingin sayo ang tila'ng nag-aapoy nitong mga mata. Napabalik tanaw ako ng isipin kung anong nangyari.

~Flashback~

Magaan loob ko, sobrang gaan dahil nasabi ko sa kanya ang totoo, pero hindi lang dahil dun. Ito ay dahil nasampal ko sya ng napakalakas. 180 degrees for short. Pero parang may mali, nasobrahan ba ako?

Habang naglalakad ako palayo sa kanila ay naistatwa ang katawan ko ng may marinig akong pagputok mg baril. WTF?! Sino naman babaril dun? Tanga naman oh, wala man lang dinalang silencer eh kitang nasa tabi lang kami ng restaurant. Pero ikinagulat ko ng kahit ganun ay wala pa ring lumalabas sa restaurant.

Ilang minutong hinintay ko si Chera pero wala pa rin sya. Habang naaalala ko yung tunog ng baril ay hindi ko maiwasang kabahan. Nanlalamig yung paligid, namumutla na ako, tumataas ang balahibo ko. Feeling ko may masamang nangyari ngayon.

Agad akong bumaba sa kotse at bumalik para hanapin si Chera. Halos mapamura ako ng sobra sobra nung makita ko si Chera na nakahilata sa damuhan at naliligo sa sarili nyang dugo. SHIT!! Hindi ko maiwasang pigilan ang luha ko, may tama sya sa tiyan at pansin ko na nasa gilid si Anggie na humihikbi na may hawak na baril.

Agad ko syang binaril pero dahil sa nanlalabo na ang mata ko dahil sa luhang tuloy-tuloy na bumagsak ay hindi ko alam kung saan banda ko sya binaril.

Agad ko dinala si Chera sa pinakamalapit na hospital, daig ko pa ata ang ambulansya sa sobrang bilis ko mamaneho, tuloy- tuloy pa rin pagbagsak ng luha ko at pagbilis ng tibok mg puso ko.

"Chera, hold on."halos mawalan ako ng boses ng binulong ko yun kay Chera.

Ng makarating kami sa hospital ay punong-puno ang pangamba ko. Nakaupo lang ako dito sa upuan malapit sa kwarto ni Chera na tinatanggal pa yung bala. Habang ako, hindi maiwasang umiyak.

Nagsisisi ako, sobrang nagsisisi ako. May narinig akong putok ng baril, at dahil sa sobrang pagmamagaling ko at sobrang bahala ay hindi ko man lang pinansin kung sino yun. Dahil sa katangahan ko at ilang minuto ko sya hinintay, marami tuloy ang nawala sa kanyang dugo. At worst, bilang ate pinabayaan ko lang sya sa damuhan na iyon. Naiinis ako sa sarili ko! Mahal ko si Chera, at hinding-hindi ko sya ginusto pabayaan pero---- ngayon nagawa ko na. Ano pa silbi ko ngayon bilang MAGALING na Ate? Hindi ko alam na habang umiiyak ay mapait na tumatawa na pala ako. Mababaliw na ako sa oras na mawala si Chera. Please, stay strong, Chera. Ate loves you.

Daring Care [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon