•Chera's POV•
"Ate, alam mo ba kung gaano ka namin kamiss?"tanong ko sa kanya na para namang sasagutin nya. I can't help my tears to fall but I smiled at her.
"Ate, namimiss ko yung pagkasungit mo at pagkatapang mo. Naasar kasi ako pag lagi kitang nakikitang nakapikit with your innocent face. Nakakainis ate, sobra."araw-araw akong bumibisita kay ate, araw-araw ko din sinasabi yun kay ate kung sakaling marinig nya. Hindi ako magsasawa na araw-araw syang bisitahin. Lagi akong babantay sa kanya, hihintayin ko syang gumising. It hurts a lot but I won't give up, I love her.
"Ate Eunhae, alam mo bang namimiss ko yung everyday na sinesermonan mo ako? Yung lagi tayong nagbabatuhan ng unan? Lagi tayo nag-aaway dahil sa mga kpop idols natin? Miss na miss ko yun, ate."I said then laughed bitterly. I wiped my tears and sighed before I continue telling her everything.
"Alam mo ate, ang daming nagbago. Si Kuya Kyle, laging walang kwentang kausap, pag kakausapin mo at taanungin ngingiti sya pero ibang ngiti. Kasi parang may kulang. Kulang sa saya. Tapos bumabagsak pa kompanya nya. Si Kuya Chanyeol naman, lagi na lang nakikipaglandian, feeling ko babagsak rin kompanya nya dahil nasobrahang sa Ayesha-ng yun. Ate naiinis ako! Alam kong magagalit ka pag nalaman mo yun, alam kong sesermonan mo sila at tututukan ng baril dahil ayaw na ayaw mo mangyari yun alam ko ate. Kapatid kita eh! Naiintindihan kita kasi mahal kita."hindi ko mapigilan pumiyok dahil sa sobrang pagbuhos ng luha ko. Hinawakan ko kamay nya at nagsalita habang nakatingin sa kamay nya.
"Ate, isang buwan pa lang. Miss ka na namin, ganun ka kasi kahalaga sa buhay namin. Ang tahimik kasi pagwala ka, walang manenermon sa kanila. Ate, please wake up. Kaya mo yan alam ko, lumalaban ka, alam ko. Kilala kita, ate. Hinding-hindi ka titigil hangga't di mo nagawa pinakagusto mo."patuloy na umaagos luha ko, patuloy din na pagpahid ko sa luha ko. Nagsisisi ako nung hindi ko sya niligtas nun. Nakita ko sya, oo. Sinundan ko sya, oo. Pero di inaasahang isang dating naging kaibigan nya ang magta-traydor sa kanya. Naiinis ako! Pinagkatiwalaan namin sya ni kuya, pero sya lang pala ang magtatangka ng buhay kay Ate Eunhae.
I won't give up, ate. Hindi ka rin sumuko sakin, you saved my life. I don't owe you once but twice! You always ended up saving me in trouble. You are my hero. But doesn't mean that a HERO will always be a HERO. Sometimes they need a sidekick.
"Ate-----"
"Tiiiiiiiiiiinggggggg"natigilan ako ng marinig ko yung tunog na yun. Sumikip yung dibdib ko, parang mawawalan na ako ng hininga. Tama nakikita ko. Hindi tumitibok puso ni Ate. Why did you gave up, ate?!
"NURSE!!!"agad na sigaw ko ng matauhan at dali-dali namang pumasok yun nurse kasamang doktor. Umatras ako, hindi! Gusto kong tumakbo pero hindi magawa ng paa ko. Parang gusto ko manuod, manuod na mabubuhay pa si ate. Alam ko! Mabubuhay pa ang ate ko! Hindi pwede! Matibay yan si ate! Kaya nya yan.
"Clear!"nangangatog ang tuhod ko makita ang kuryente at iminasmas tsaka inilagay sa dibdib ng aking ate para mabuhay.
Ate please naman.. You are too young. May future pa kayo ni kuya Kyle, di ba? May future pa tayong magkakapatid kasama ang asawa't anak natin na masayang nagba-bonding. Ate naman! Bakit pinili mo pa yung madramang buhay?! Akala ko gusto mo ng action?! Ano ba kasi yan ate!
"Clear!!"sigaw ulit ng doktor. I had enough, lumabas na ako at umupo sa gilid. Parang hindi ko kakayanin, masakit eh. Sobrang sakit. Nasasaktan ako ng sobra. I don't want to see my sister suffer.
"Chera."tawag sa akin ni kuya kaya napatayo ako at mahigpit nya naman akong niyakap. Halos humagulgol na ako kaka-iyak.
"Kuya.. Kinausap ko lang sya. Hindi ko alam na yun na pala yung last naming pagkaka-usap."inis na bulong ko at humigpit lalo pagkayakap nya.
"Tama si Kuya Kyle, hope keeps running away..."walang emosyong wika ko ng kumalas sya at ako naman natigilan sa pagkaiyak pero nakatulala pa rin.
"But not until we try our best and keep chasing that hope so we can reach it, back."nakangiting wika ni kuya tila hindi nawawalan ng pag-asa. I smiled sadly.
"I guess so..."halos hangin na lang yung boses ko ng wala na akong natitirang boses kaka-iyak.
"Think positive, Chera. Alam kong alam mo na kayang-kaya yun ng ate mo. She won't give up on us. Mahal nya tayo."paliwanag ni kuya at naganahan naman ako ng konti. Sasagot pa sana ako pero lumabas ang doktor kaya napatayo kami para malaman yung balita.
Walang nagsasalita sa amin, nag-aabang kami sa sagot ng doktor. Ngumiti ito sa amin tila successful sa nangyari. Pero di pa rin namin nalalaman yung sagot nya.
"She's safe."sagot ng doktor kaya napahinga kami ng maluwag. Salamat. Ok ka na, Ate. I'm so proud of you, nilabanan mo talaga. Napakunot agad ako ng makitang mapalitan ng lungkot ang ngiti ng doktor. May nangyare ba kay ate Eunhae?
"The problem is she had a major disease called amnesia."halos mahulog ako sa kinatatayuan ko ng malaman yun. No, please. Bakit 'yun pa?
"Is it temporary or permanent?"seryosong tanong ni kuya habang naka-alalay sa akin. Hindi kaya gumalaw ng bibig ko. Hindi ko kayang magtanong. Bakit ganun?! Bakit yun pa?!
"We don't know yet. Ipaparating ko na lang sa inyo ang balita pag may nalaman na kami. Maaari na din magising ang pasyente, salamat."paliwanag ng doktor at aktong aalis pero kinwelyohan sya ng lalaking biglang dumating.
"GAWIN NYO ANG LAHAT PARA HINDI LUMALA ANG SAKIT NYA DAHIL SIGURADO AKONG MAKAKAPATAY AKO PAG WALA KAYONG GINAWA!!"inis na sigaw ni Kuya Kyle na nananaliksik ang mata nya, nakakatakot, nakakakilabot. Animo'y kaya ka nyang patayin sa isang iglap. Na parang ka nya wasakin ang lugar na uto sa isang pitik lang ng darili nya.
Napaupo na lang ako sa upuan na nakatakip ang dalawang kamay ko sa bibig na hindi matigil ang paghahagulgol ko habang pinapanood si Kuya na pinipigilan nya si Kuya Kyle. Nanlaki ang mata ko ng biglang sinuntok ni Kuya si Kuya Kyle.
"Gawin ang lahat? Bakit ginawa mo ba lahat ng kaya mo? Did you even tried your best to think positive na kaya yun ni Eunhae? Ginawa mo ba talaga lahat ng makakaya mo? Or pinabayaan mo lang? Look, bumabagsak na ang kompanya mo. Sa tingin mo magugustuhan yan ni Eunhae? Sa tingin mo matutupad lahat ng pangarap nyo kung bigla lang naglaho ang pinaghirapan mo? Hinding-hindi yan magugustuhan ni Eunhae, Kyle. Masyado mong binabad sarili mo sa problema. Oo iniisip mo sya, pero iniisip mo na wala na sya, hindi mo iniisip na kaya nya iyon. Alam mo, minamaliit mo talaga ang kapatid ko sa ginagawa mo. Iniisip mo yun pero hindi mo man lang sya binisita kahit nandito lang sya, naghihintay sa pagdating mo. Naghihintay sya na bantayan mo sya. At nasasaktan sya dahil wala syang nakikitang Kyle na nagbabantay sa kanya. Ngayon, nakita mo kung gaano sya nasaktan, kuntento ka na, Kyle?"inis ni kuya at alam ko iyon ang dahilan ng pagkagising ni Kyle. Ngumiti ito kay kuya at umalis.
BINABASA MO ANG
Daring Care [BOOK 1]
ActionROMANCE AND ACTION STORY A story of a Girl met this Boy na walang ginawa kundi asarin sya ng asarin. Sabihin nating naging sila pero ni hindi nila minahal ang isa't-isa, fake relationship kung baga. Pero nung habang tumatagal at nagiging matibay ang...