Second year highschool ako noon. Wala akong makausap. Kasi naman, new section at new classmates. Mahiyain pa naman ako.
Naaalala ko pa nga noong enrollment day, si Mama agn pinaghanap ko ng section ko. Nakabuntot lang ako sa kanya at kung minsan ay nakatago sa likuran niya dahil ayaw kong humarap sa mga teachers. Para akong timang 'no?
Basta ganun ako kamahiyain. Ni ayaw kong napapnsin ng mga tao ang presensya ko. Ewan ko ba kung bakit.
"Hi! Anong pangalan mo? Ako nga pala si Sheena. Ikaw?"
Kinakausap ako ng katabi ko. Ngiming ngumiti ako sa kanya. Mahiyain nga kasi ako, di ba?
"Cassandra."
"Wala akong kakilala dito. Paano ba naman, sa lower section ako nanggaling nung first year. Hindi ko nga alam kung bakit ako napalipat dito sa section 2."
Ngumiti lang ako sa kanya. Mukhang may new friend na ako. Palingun-lingon si Sheena. Pati ako nakigaya na rin sa kanya.
Napatingin ako sa frontdoor ng classroom namin. May pumasok na lalaki. Ang cute niya. Nakangiti siyang umupo sa bakanteng upuan. Ano kayang pangalan niya?
" May kaklase ka ba dito dati?" -Sheena
"Naku, wala nga, eh. Nasa section 1 at 3 yung close friends ko."
"Makakatabi lang naman pala kayo ng classrooms. Eh ako? Nasa taas pa yung rooms ng mga kaklase ko dati."
Nakangiti pa rin ako sa kanya. Oo nga. Mabuti na lang at makakatabi kami ng classrooms nila Friendships. Mamaya ngang recess, makapasyal sa kanila. ^__^
Hindi nagtagal dumating na ang aming magiging adviser. Nagpakilala siya sa amin at in return, magpapakilala rin kami sa harapan, one by one.
Oh my! One by one?!!
Lalabas na yata ang puso ko sa sobrang kaba. Hindi ko yata kaya ito! Baka magcollapse ako sa unahan.
Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Inhale. Ex--
"Good morning, classmates. Ako nga pala si Marcus Garcia."
Ehem! Exhale, Cassandra. Haaaayyy! Marcus daw ang pangalan niya. MARCUS GARCIA. Marcus. Marcus. Marcus. Nice name.
Medyo nawala yung kaba ko. Medyo lang, ha? Siguro, 10% out of 100%. May 90% pa. Palapit na ako ng palapit. Ayan na! Ayan na talag. Grabe, naiihi na ako. Ma'am, my I go--