Chapter 19: He's Singing With Me!

18 0 0
                                    

Ngayon ay nakakaramdam na kami ng gutom. Especially ako, nakalimutan ko yata kumain ng tanghalian? Excited? Hindi naman. Hahaha.

Sadyang mabilis lang akong magutom pero mabilis lang din akong mabusog. Ahh, basta! Mabilis ang metabolism ko. Hahaha.

"Saan tayo kakain?" tanong ko sa mga girls ko. Parang alam ko na kung saan kami kakain, ah?

"Jollibee na lang tayo." -Micah

"Kayo?" tanong ko naman sa boys.

"Jollibee tayo. Hindi pa ako nagtatanghalian, eh." sabi naman ni Marcus.

"Oh? Bakit naman hindi ka pa kumakain?" out of curiousity ay bigla kong natanong.

"Pagkagaling ko kasi sa school, rekta na ako sa dorm para kunin yung gamit ko. At rekta sakay na sa bus papunta dito." explain niya.

"Ahh." patangu-tango kong sabi. "So, doon na lang tayo?" tanong ko ulit sa iba.

Nag-agree naman sila na sa Jollibee na lang kami kumain. Kaya, heto nakapila na kami.

Burget at fries lang ang inorder namin. Syempre, with drinks na yun. Nakigaya naman yung mga boys. Maliban kay Marcus. Gusto niya kasing magrice.

Nag-orderan na kami.

***

Sa food court kami humantong habang dala-dala ang take-out naming order. Mas maganda kasi kung doon kami. Sabi nila. Hehehe. Nakigaya lang ako.

Habang kumakain, syempre ay nagkukwentuhan kami. Tanungan kami dito, sagutan kami dyan. Mabuti naman at pala kwento si Marcus habang masaganang sumusubo ng pagkain niya.

Nang biglang, may isang tao ang nag-iinarte. Si Andrew.

Bakit?

Well, hindi daw siya kumakain ng may mayonaise. Haller! Burger din kaya yung inorder niya? Bakit hindi siya nagreklamo habang inoorder yung pagkain niya? Tapos ngayon, nag-iinarte?

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nainis. Eh katabi ko pa naman siya. Ang arte niya! Hmp! Ayoko sa mga lalaki ay maarte. Daig pa kaming mga babae. Tsk.

Buti na lang talaga hindi ako nagpaligaw sa kanya. Wait! Nasabi ko ba ang salitang L-I-G-A-W? Whew!

"Ang arte ni Andrew. Hahaha." tatawa-tawang sabi ni Archie.

"Oo nga." sang-ayon ko naman. Bigla ba namang tumingin sa akin ng masama si Andrew. "Oh? Ang sama mo makatingin?" sabi ko sabay subo ng fries.

"Eh, sa hindi talaga ako kumakain ng may mayonaise, eh." biglang sabi nito.

"So, kasalanan ko? Ako ba nag-order? Eh, alam mo namang ganyan ang nakalagay sa burger, eh." siniringan ko nga siya. Parang timang kasi. Wag niya akong bad trip-in. Maganda ang mood ko kanina ng makita ko si Marcus, tapos ano? Sisirain niya? No way! >___<

"LQ na yan!" sabat ni Robert.

"Parang mag-asawa lang, ah?" tatawa-tawang sabi naman ni Archie.

"Nag-aaway na mag-asawa. Hahaha." bigla namang sabi ni Marcus.

Kaasar! Kami? Mag-asawa? Ni hindi nga nasagi sa isip ko na maging magboyfriend-girlfriend kami ni Andrew. Tapos ngayon, asawa pa? Eeeww! Eeeww lang talaga. One million times!

"Tigilan niyo nga ako." inis kong sabi sa kanila. Nakakaasar talaga. Pati si Marcus nakikisali sa pakikiasar. Hmmp! "Ubusin mo yan. Maraming nagugutom. Pasalamat ka, may pambili ka niyan." masungit kong sabi kay Andrew. Basta, naaaasar ako!

Buti naman tumigil na sila sa pang-aasar. Naubos na namin ang kinakain namin pero hindi yung kay Andrew. Hindi pa rin niya kinain yun.

"Iuwi mo na lang yan." narinig kong sabi ni Robert kay Andrew.

Perhaps LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon