Fourth year highschool!
Hindi ko na classmates ang tropa at sila Sheena at Nimfa. Super rumble ang ginawa sa amin. Sila Sheena, Nimfa, Archie, Andrew at Zander ay nasa section 2 ulit. Samantalang si Marcus, nasa section 3. Eh ako? Nasa lower section. So, unfair! >__<
***
Nakiusap ako with the help of Sheena. Kinausap namin si Ms. Loren. Na ilipat ako sa section 2. Which is nangyari nga. Deserving naman daw ako sa section na yun.
Kaya hayun! Napunta na ako sa section 2. Ang saya-saya! Kasama ko na ang mga tropa ko. ^__^
***
Simula ng mailipat ako sa section 2, palagi na lang akong nililink kay Andrew. Bakit ako?!! >___<
Hindi lang kasi si Archie ang nang-aasar. Nadagdagan na sila. Nandyan si Meynard, Lance, Ruel at Carl. Mga classmates din namin sila before. Pero ngayon lang kami naging tropa-tropa.
***
Masaya naman kami na magkakasama. Kulitan, harutan, asaran at kung anu-ano pang kalokohan.
Minsan, napapaisip ako na kung kasama kaya namin si Marcus. Magiging mas masaya kaya ako? Namimiss ko na siya. T__T
***
Meron kaming subject na Technology and Livelihood Education kung saan kami ang pumili ng ime-major namin.
Nasa Drafting Technology kami nila Sheena, Nimfa at Zander. Samantala, si Archie, Ruel at Lance ay nasa Computer Technology. Habang sila Meynard, Carl at Andrew ay nasa Industrial/Electrical Technology.
Wait! May hahabol pa. Pati pala si Marcus, kaklase nila Andrew. Oh, diba? Kaya buo sila every after the subject T.L.E. Minsan napapatambay si Marcus sa room namin.
***
Katulad ng araw na yun. Pagpasok ko ng room galing sa subject na T.L.E. Napatigil ako sa pagpasok mula sa front door.
Nag-uusap usap kasi ang tropa kasama si Marcus. Nakaramdam ako ng excitement na muli siyang makita. Kahit alam kong magkalapit classroom lang naman kami.
Ngayon ko lang ulit kasi siya nakita. I just say "Hi!" to them. At nakipag-usap na ako kila Nimfa at Zander. After that, wala na masyadong kitaan with Marcus.
***
It's our last Intramurals in our school. Hindi ko alam, last time ko na palang makikita si Marcus. T_T
Dahil hindi kami active nila Nimfa sa mga ganung happenings, nasa room lang kami. Habang ako, nakikinig sa jamming session kila Zander.
Kasalukuyang tumutugtog ng 'Bakit Ba?' si Zander gamit ang gitara. Nang biglang pumasok si Marcus sa room. At tumabi kay Zander.
Naconcious naman ako dahil nasa tapat ko yung dalawang ex-crush ko. Mygosh!!! Feeling ko, ako na ang maswerteng babae sa mundo! Whahaha!
Muntikang matunaw yung dalawa. Tsk! Just kidding! ^__^ Basta, masaya ako. Namiss ko ng wagas si Marcus.