Simula ng nagkaroon kami ng group date namin ay naging habit na namin yun every Saturday.
Ewan ba namin, pero nakasanayan na, eh. Kaya asahan niyo kami na palaging nasa SM. Foodcourt at Quantum lang naman ang palagi naming pinupuntahan, eh.
Hanggang sa lumipas ang mga araw, ang mga araw na naging buwan, ang buwan na naging taon-- Oops! Wala pa palang taon ang nakakalipas. Exaggerated lang ako masyado. Hehehe.
Mga tatlong buwan pa lang ang nakakalipas. Last week na ng october. Nang may nangyaring hindi ko inaasahan. Naramdaman ko na lang ang unti-unting paglayo ni Marcus.
Hindi yung talagang malayo, huh? What I mean, parang iniiwasan na niya ako.
***
Katulad ng Saturday na yun. After ng birthday ni Micah ay niyaya kami ni Lance. Infairness, for the first time siya ang nagyaya at hindi kung sino man. Eh minsan lang yan sumama sa amin, eh.
Sa kanya lang din namin nakilala ang mga food sa SM Supermarket. Hahaha. At iyon nga, hindi kami kumain sa Jollibee. Naghesitate pa nga kami ng una, pero sa huli kami pa ring mga girls ang maraming binili. Hehehe.
After the bilihan portion sa Supermarket, parang almost 30minutes kaming nagpaikut-ikot doon. Ewan ba namin kung bakit tumagal kami ng ganun dun. Hahaha.
So, nandito kami sa Foodcourt. Nakalabas lahat ng binili namin. Kanya-kanya kaming bukas ng mga pagkain. At kanya-kanya din kaming kuha sa iba pang pagkain. Kaya ang tawag sa pagkain namin ngayon ay HALO-HALO. Hahaha.
Habang kumakain at nagkukwentuhan ay biglang nagseryoso si Lance. Si Lance na hindi nauubusan ng kwento, ng payo at ng kwela. Crush ko na rin yan. Kasi matalino. Pero quiet lang kayo. Sssshh. ^_^
"Casey, may itatanong ako sayo mamaya, huh?" nagulat ako sa sinabi ni Lance sa akin.
"Sa akin?" sabi ko pa habang nakaturo sa sarili. Eh bakit kasi sa akin.
"Oo. May itatanong lang ako." Hala naman! Anong kasalanan ko? Wala akong ginagawang masama. Wala. Wala. Wala.
Akala mo lang, wala. Pero meron, meron, meron!
Ayt! Ang adik ng konsensya ko. Kalabanin ba ako? Hmmp!
"Bakit mamaya pa? Hindi ba pwedeng ngayon na?" tanong ko pa sa kanya. Nakakatakot naman kasi, eh. Ayoko ng ganyang pasuspense na drama. Tsk!
"Basta, mamaya na. Malalaman mo rin. Sumagot ka lang ng totoo." Hala ka. Mukha ba akong sinungaling?
"Wag ka ngang tumingin sa akin ng ganyan." masungit na sabi ni Gelai kay Jerome. Isa pa naming tropa. Kaklase din namin dati nung highschool.
"Hindi ako sayo nakatingin, huh?" maang-maangan naman ni Jerome. Halata naman kasing may crush ito kay Gelai.
"Wooo! Wag torpe, pre!" sabi naman ni Robert na kanina pa tahimik, pero ngayon lang nagsalita. Bakit? Well, nabalitaan ko lang naman na may crush sya kay Micah. Kaya tahimik mode sya kasi nasa tabi nya ang crush niya. Ayeah! Mga nagdadalaga sila, huh?
"Masama bang magandahan kay Gelai?" BOOM! Yun na yun! Hahaha. Hindi naman pala torpe si Jerome, eh.
"Tama na nga yan. Doon na tayo sa Quantum. Gelai, penge akong token, huh?" bigla namang banat ni Archie. Tama bang manghingi kay Gelai? Sabagay, supplier namin ng token yang isang yan, eh.
So, iyon na nga. Nauna ng tumayo si Gelai at naglakad. Sumunod naman sa kanya si Archie. At maging kami ay nakisunod na rin. May mga natira pang pagkain. At ang masinop na si Lance ay kinuha ang mga natira na hindi pa nabubuksan at itapon na ang iba.