Chapter 2: Another Crush?!

57 0 0
                                    

"Hello, magandang umaga sa inyo. Ako nga pala si Sheena Morales."

"Oh? Dito ka pala sa section na ito, Sheena?" -Miss Javier

"Hindi ko nga po expected, Ma'am. Tumalino na pala ako."

Nagtawanan ang iba naming kaklase.  Napangiti naman ako. Kwela talaga si Sheena. Gusto ko na siya. ^_____^

Hanggang sa naupo na siya at ako na ang sumunod. Konti na lang ang kaba ko. Whahaha!

"Ahm... H-hi, good morning, everyone!  I'm Cassandra Dela Cruz.. But you can call me Casey for short. That's all. Thank you!"

Parang sa beauty pageant lang. Hahaha! Woohoo! Success! Nakapagsalita ako sa unahan. Ha-ha-ha! Maaari na akong huminga ng mabuti. Haaayy! Back to normal na ulit ang heartbeat ko.

Nagpatuloy pa ang iba kong kaklase hanggang...

"Good morning, Ma'am! Good morning, classmates! Ako nga pala si Zander Mercado. Nice to meet you all."

Tenenen! Ok na sana, nagtagalog pa! Hahaha! Anyway, ang cool ng dating niya. Xander o Zander? Whatever! Basta cute din siya. Ayy! Ang landi mo, Cassandra!

Waaaaaaaahhhh! Hahahahahaha! ^___________^

Nang matapos ay nagdiscuss na si Miss Javier about sa schedule ng mga magiging subjects namin.  Hanggang sa magrecess na kami.

Sabay kaming pumunta ni Sheena sa canteen para bumili ng makakain.  Nang makabili ay kinain namin iyon habang naglalakad.

"Casey, puntahan ko muna yung mga tropa ko, ha?" -Sheena

"Sige."

Mag-isa na lang tuloy akong bumalik papunta sa room. Pero napatigil ako. Kasi nakita ko si Mr. Cool. I mean si Zander o Xander? Ahh, basta siyta na yun.  Nandun siya sa backdoor, nakatayo habang nakikipag-usap sa isa pa naming kaklase.

Napalihis tuloy ako ng lakad. Hindi ko alam kung bakit. Nahihiya lang siguro ako.  Napapunta tuloy ako sa classroom ng Friendship ko sa section 3.

"Kaklase mo ba si Nimfa?" tanong ko sa isang babae.

"Nimfa!" sigaw nito.

Ayy! Hanep! Ang daldal ni Friendship sa likuran.  Whahaha!

"Casey!" nakangiting sabi naman ni Nimfa sabay lapit sa akin.

"Nagrecess ka na?" -Ako

"Hindi pa. Mamaya na lang. Sabay tayo maglunch."

"Sige. Puntahan natin si Janine?"

"Tara."

At pumunta kami kay Janine sa classroom ng section 1. Mabuti na lang pumasok na si Mr. Cool sa room namin. Kaya rekta na kami kila Janine.

"Si Janine?" masungit na tanong ni Nimfa kay JM.

Ang galing talaga ni Nimfa magtago ng feelings. Crush niya kasi si JM since elementary pa sila.

"Ang sungit mo pa rin, Nimfa.  Wala bang ngiti dyan?" pang-aasar ni JM.

"Suntok, gusto mo? Tawagin mo na si Janine."

"Yes, Madam! You're wish is my command." nakangising sabi pa nito at yumuko pa talaga.

Saka pumasok sa room nila.

"Nakakaasar talaga ang lokong yun. Hmp!" -Nimfa

"Miss mo lang siya, eh." tukso ko naman sa kanya.

"Suntok, gusto mo rin?"

"Eto naman, hindi ka mabiro. Joke lang!"

"Nimfa! Casey! " sabi ni Janine saka lumapit sa amin.

"Nakalimutan mo kaagad kaming puntahan." emote ni Nimfa.

Artistahin talaga ang bruha.

"Hindi naman. Naelect kasi akong officer. Nami-meeting lang kami." sabi ni Janine sa amin with her apologetic facieal expressionl.

At iyon nga! Kwentuhan to the max kami. For sure, may part two pa yan sa lunch break. At part three sa uwian? Dami ba naming kwento?

Anyway, bumalik na kami sa room namin ni Nimfa. 

Perhaps LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon