Matapos ang late Christmas celebration namin ay padating na ang New Year. Panibagong gala na naman ang mga naiisipan.
Sumakto namang birthday ng isang close friend naming mga girlfriends ko. Si Neri. New Year baby siya, eh. Sakto kasing January 1 ang birthday nya.
Kaya naman dual purpose ang handaan sa kanila. Pagsalubong sa bagong taon pati na rin sa dagdag na taon ng kanyang existence.
Nagpasya kami na doon na lang sa kanila mamasyal.
Kasama ko nga pala ng araw na yun sila Bettina, Micah, Gelai, Robert at Andrew. Yung iba? Well, hindi pinayagan sa kanila.
Doon kami nagkasayahan. Kantahan, kainan, picture taking at maraming kulitan moments. Sayang, hindi nakasama ang iba. Lalo na si Marcus? Oh, wait! Si Marcus na naman?
Wala, eh. Talagang tinamaan ako kay Marcus. Kaya naman kahit nasa bahay ako nila Neri, katext ko pa rin siya. Himala nga at sinipag magreply si Marcus, eh.
Akala ko, maghihintay pa ako ng ilang decades para lang ma-reply-an niya, eh. Hahaha! Grabe lang, huh?
***
Nang matapos doon ay nagkayayaan naman sila na magpunta sa amin. May handa rin kasi kami ng araw na yon. Kaya naman naisipan nilang tumambay muna sa amin. Maaga pa kasi ng umalis kami kila Neri, eh.
Food trip ang nangyari sa bahay namin. Konting asaran, kulitan at kung anu-ano pang maisipan naming gawin sa buhay. Hehehe.
(Author's Note: Pagpasensyahan ang author. Tinatamad mag-narrate ng kwento. Peace yow!)
Siya nga pala, first time kong magpapapunta ng lalaki sa bahay namin. At ang kauna-unahang lalaking kaibigan ko ang nakapunta sa amin ay sina Robert at Andrew.
Hindi ko alam kung bakit ayaw kong magpapunta ng lalaki sa bahay eh. Siguro natatakot lang akong may umakyat ng ligaw sa bahay. Akyat talaga? Err! Wala nga pala kaming hagdanan. Hahaha! LOL!
Katulad nga ng sinasabi ko. Nagpahaging na si Robert para kay Andrew.
"Dre, alam mo na kung saan ang bahay ni Casey, huh? Alam mo na kung saan magpapadala ng flowers at chocolates." nakangising sabi ni Robert. Adik ang loko. Tsk!
"Oo, dre. Alam ko na." pakikisakay naman ni Andrew. Loko 'tong dalawang 'to, ah? Papauwiin ko na ba 'tong mga 'to? Kaasar, huh?
"Hindi tumatanggap ng manliligaw dito sa bahay, huh?" sabi ko na lang sa kanila.
At saka kami nag-food trip.
***
Nang maihatid ko na sila pauwi ay nagpadaan na ako ng gm.
Nakatext ko nga pala si Marcus. Syempre, iniinggit ko siya sa mga ginawa namin kanina. Hindi kasi sumama sa amin, tapos ngayon ano? Tatanung-tanong kung ano mga ginawa namin.
Nakakahinayang lang. Hindi ko siya kasama ng mag-start ang New Year.
***
Mabilis na dumaan ang isang linggo. Birthday na nga pala ni Robert.
Invited kaming lahat ng tropa sa bahay nila. First time 'to! Nag-invite magpakain si Robert. Nakakatuwa naman.
Todo pilit naman ako sa mga sa girlfriends ko. Lalo na kay Micah. Alam ko kasing deds na deds si Robert kay Micah-bebe, eh. Hahaha!
Sabi ko pa nga kay Robert sa text, birthday gift ko ang presence ni Micah.
Ang sagot na natanggap ko? Malalaking letters na bumubuo sa salitang "LOKA KA TALAGA!"