Nang makalabas ako sa booth ay lumabas din ako ng Quantum. Bakit? Well, bukod sa tinitignan ko kung pabalik na ang mga girlfriends ko, wala lang. Pero syempre, joke lang yun. Hahaha.
Hindi pa rin kasi ako maka-recover sa sobrang kilig na nararamdaman ko. Hahaha. Ang landi ko talaga. Tsk!
Pinapanood ko lang ang mga naglalakad na tao. Habang nakikinig sa sounds doon sa dance machine na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung anong pangalan niyon. Basta palaging may agaw attention na nagsasayaw doon. Ni hindi ko pa nga nata-try maglaro doon. Nakakahiya kasi, yung talent ko kasi sa dancing. Well, iyon nga. Mas magandang itago ko na lang. Hahaha.
Saka kamay lang naman dapat ang ginagamit doon, pero ewan ko sa iba kung bakit pati hips nila ginagamit nila? Hmmm...
***
Hanggang sa namataan ko na nga ang mga nagkakatuwaan na sila Gelai. At ano naman kaya ang tinatawa nila? Ang daya! Hindi nila ako jino-join. *pout lips*
"Oh? Nasaan sila?" tanong sa akin ni Micah ng makalapit sila sa akin.
Ituturo ko pa lang sana ang mga boys ng biglang lumapit sa akin sila Marcus.
"Gabi na pala. Kailangan ko ng makauwi. Tine-text na ako ng Nanay ko." sabi ni Marcus.
"Gabi na pala?" bulalas ko sabay tingin sa relo ko. Sa sobrang kilig ko, hindi ko namalayan na madilim na nga sa labas.
"Uwi na tayo?" tanong pa ni Micah.
"Eh kayo ba?" tanong din ni Robert.
"Ubusin muna natin 'tong token." sabi naman ni Gelai. May natira pa kasing ilang tokens.
"Tara, ubusin natin sa basketball." sabi naman ni Bettina.
"Mamaya ka na umuwi, Marcus. Sabay na lang kayo ni Casey." sabi pa ni Robert.
"O, sige." pagpayag naman ni Marcus.
Wow naman. Makakasabay ko si Marcus? Masaya yan. Hahaha. Ang ganda talaga ng araw ko este gabi pala. Gabi na, eh. Hehehe. Hayaan ng masermuna. Basta, worth it. Hahaha. ^_____^
At doon na nga namin inubos. Dalawang basketball machine ang gamit namin. Parang naging girls vs. boys ang laban. Pero syempre, taga-cheer lang ako. Hahaha. Hinayaan ko na lang sila ang maglaro. Masaya na ako sa panonood.
Ang galing nga pala ni Marcus magbasketball. Puro shoot, eh. Hahaha. Hindi lang siya yung pinapanood ko, ha? Pati sila Bettina, magaling talaga. Hahaha. Defensive ba ako masyado? Hindi naman, sapat lang. ^____^
***
Uwi na kami. Nakalabas na kami ng mall. Nakatawid na rin para makasakay sa jeepney.
Pero, heto kami hindi pa rin sumasakay dahil hindi malaman kung sino ang mga sasabay kila Gelai. Yung three girls kasing kasama ko, pare-parehas ng way. Samantalang yung three boys except Marcus ay on the way lang. Kami naman ni Marcus ay parehas ng way.
At dahil nga nagmamadali na si Marcus ay kaagad kaming sumakay ng dumating ang isang jeep na on our way ang placard.
"Uy! Una na kami. Bye! Thanks!" nagmamadali kong paalam sa kanila.
"Sige, ingat kayo." sabi ni Bettina at nagwave pa.
"Bye!" magkasabay na sabi nila Gelai at Micah.
Yun tuloy, naiwan yung anim doon. Samantalang kami ni Marcus ay nakasakay at nakaupo na. Mabilis ding umalis ang jeep na sinakyan namin. Nakatanaw lang tuloy ako sa anim, tinitignan kung nakasakay na sila. At nakita ko ngang pasakay na sila.
Kaya naman, humarap ako kay Marcus. Wait! Hindi yung harap na harap talaga, huh? Nandoon kasi sya sa likod ni Manong Driver.
Magbabayad na sana ako ng bigla akong pigilan ni Marcus.
"Wag na. Ako na." sabi nito sabay abot ng bayad kay Manong Driver.
Wow! Ang bait naman. Nilibre ako ng pamasahe. "Naku, eto ang bayad ko, o." pinipilit ko pa ring binibigay yung pera ko.
"Sabing wag na. Ang kulit! Ako ang lalaki, eh."
"Edi, wag." sabi ko na lang sabay balik sa bag ng pero ko.
"Ganyan nga." nakangiti niyang sabi sa akin.
Eeeeee! Nakakaasar naman. Wag mo akong ngitian ng ganyan, Marcus! Nakaka-in love ka! Weee! Wait! In love ba ang sabi ko? Waaah! Paktay na! >______<
Katahimikan!
***
"Akala ko, kayo na ni Andrew?" narinig kong biglang sabi ni Marcus. Napalingon tuloy ako sa kanya.
"Huh?" kunot-noong ko siyang tinignan.
"Para kasi kayong mag-asawa kanina." ngingiti-ngiting sabi sa akin nito.
"Eeeww! Wag ka ngang magsabi ng bad words." inirapan ko siya.
"Bakit naman?"
"Bawal pa akong magboyfriend 'noh?" di bale ba kung ikaw ang magiging boyfriend ko. Uh-oh! Hahaha. Muntik ko ng masabi.
"Bakit naman bawal pa?" ayt! Curious ba siya? O talagang nagtatanong lang siya?
"Hindi pa kasi ako nakaka-graduate sa college."
"Ahh. So, kailan ka pa gra-graduate?"
"Next year, ladderized kasi yung course ko. Dalawang beses kaming gra-graduate."
"Kami rin. Kaso, next next year pa ako. Five years kasi kami."
"Ahh, oo nga pala. Engineering course mo, di ba?"
"Oo. So, next year ka pa pala pwedeng ligawan?"
Bakit? Gusto mo rin bang manligaw? Ligawan mo na lang ako. Para masaya. Hahaha. Pilya talaga ang isip ko. Tsk! "Hmm, pwede na rin."
"Ang tagal pa pala."
Ano bang gusto mong ipahiwatig? "Bakit mo nga pala tinatanong?"
"Wala lang." nakangiting sabi niya sa akin.
Silence!
Sana lang alam ko kung anong meaning ng ngiti niya 'noh?
***
Hanggang sa magbabaan na kami ng jeep. Pero nakita ko kasi yung ninong ko. Kaya lumapit ako ng hindi nagpapaalam kay Marcus.
"Ninong." sabi ko sabay bless.
"Oh! Ginagabi ka ata, Ninang?" Ninang talaga ang tawag sa akin ni Ninong ever since. Ayaw niya kasi ng inaanak, eh. Ewan ko ba kung bakit.
"Oo nga po, eh. Naggala po kasi kami ng tropa ko."
"Sinong kasama mo? Boyfriend mo?" tanong ni ninong at saka may nilingon.
Nakita kong si Marcus ang nilingon ni Ninong. Whew! Akala ko, nauna na toh? Hinihintay ako? "Naku, hindi po. Tropa ko lang po yan." Shocks! Napagkamalan pa tuloy ni Ninong na boyfriend ko si Marcus. Sana nga, totoo na lang. Hahaha. Pero, joke lang yun. "Sige po, Ninong. Alis na po kami."
"O, sige. Ingat sa pag-uwi."
At naglakad na kami ni Marcus.
"Napagkamalan ka ng ninong ko. Boyfriend daw kita?" natatawa kong sabi.
"Ganun?" gusto ko man tignan ang expression ng mukha niya pero hindi ko magawa. Nahihiya kasi akong tingilain siya.
"Ang adik, eh. Lagot ako nyan bukas, kapag nasabi ng ninong ko kay papa na nakita ka ngayon. Nagkaroon ka ng girlfriend ng wala sa oras."
"Ayos lang yun." napalingon naman ako sa kanya. "Doon ang sakayan mo, di ba?" sabi niya sabay turo sa left side. "Dito naman ako. Sige, ingat ka sa pag-uwi. Magpapakita pa ako sa Nanay ko, sana hindi ako pagalitan." nakangiti niyang sabi sa akin at pahakbang na sa right side.
"Ingat ka rin. Parehas lang tayong masesermunan. Hahaha." natatawa kong sabi. Pero deep inside, kinikilig ako.
At yun nga, nagseparate ways na kami.
***
Ang saya-saya ko talaga ngayon!
Kahit nasermunan ako ng mama ko kasi late akong nakauwi. Pero ayos lang.
Nakasama ko naman ang crush ko. Hayyy! Love.love.love! <3