Chapter 22: So Full Of Blast!

16 0 0
                                    

Ambilis ng araw. Hindi ko namalayan, November na kaagad. Malapit ng mag-December.

Kaya naman kanya-kanya ng gawa ng plano ang tropa. Gusto naming magkakasama sa Christmas Day. As in, magkakasamang maggala. Magsaya.

Hindi na pala kami madalas nakakapaggala. Ang nangyari naman ngayon, every Sunday ay sa simbahan ang tuloy namin.

Yup! Sama-sama kaming nagsisimba. Ang ingay nga namin doon, eh.

Minsan, sinisitsitan kami ng ilang matandang katabi namin.

Actually, si Marcus ang madalas talagang magsimba. Eh dahil sa pag-ibig, ayun! Pati ako naki-join na rin dahil gusto kong maranasan ang pagiging tunay na katoliko.

Katoliko rin kasi ako katulad ni Marcus. Pero hindi ako madalas magsimba tuwing Sunday.

At dahil na rin sa aking convincing power, ayeah! Nagpapakasunog na rin sa simbahan sila Archie, Robert at Andrew. Ewan ko ba sa mga yun, pero yun yung sinasabi nila kapag papasok ng simbahan.

Masyado ata silang makasalan. Tsk! Kaya kailangan talaga nilang magsimba. Hahaha!

***

December na po! Hahaha!

I'm excited na sa Simbang Gabi. Ni hindi pa talaga ako nakakakumpleto ng Simbang Gabi ever since.

At malapit na ang aming Christmas vacation, ngunit hindi naman kami makakapagbakasyon ng girlfriends ko. Dahil na rin sa OJT namin. Gusto kasi namin matapos kaagad iyon.

Kaya kahit gustuhin naman naming magbakasyon ay hindi namin magawa.

***

Nang araw pala na yun ay December 15. Start na ng simbang gabi ng mga eight o'clock in the evening.

Sakto lang sa out namin sa company na pinag-oojt-han namin. Mga seven o'clock kasi ay out na namin.

Napadaan ako noon sa simbahan, nang mapatingin ako sa gate ng simbahan. Maging ang pinto nito ay pinagmasdan ko rin.

Feeling ko, niyaya niya akong pumasok. Kung pwede lang magsalita ito ay ganito malamang ang sinasabi niya.

"Halika, Casey! Pasok ka. Hinihintay ka ni Jesus Christ. Abangan mo ang kanyang kapanganakan. Magalak at magsaya. Magpasalamat sa kanya."

Whew! O, diba?

Mayamaya lang ay tahimik na akong umupo.

Hindi ko namalayan na dinala na ako ng aking paa sa loob ng simbahan.

Hindi ako makatanggi sa paanyaya ng simbahan at sa maaari ko pang malaman tungkol sa ating Maykapal.

Bigla ko tuloy naisip, kailan ko kaya mararanasan ang *sign* na kailangan ko para lang makapagmadre na ako?

Hindi ko kasi talaga alam kung ano ba ang gusto ko. Magmamadre ba o hindi?

Pero hindi ganun kadali ang pagmamadre. Dapat bukal ito sa loob ng isang tao. Dahil kung labag ito sa sariling kagustuhan, niloloko mo lang ang iyong sarili. Wala ring saysay ang pananatili sa kumbento.

Hindi maisasapuso ang ating pagtanggap at paglilingkod sa ating mahal na Panginoon.

***

Nang matapos na ang misa ay umuwi na ako. Wow! Ang saya sa pakiramdam. Gusto kong i-share sa iba.

Kaya heto ako, nag-gm.

To: (Group) TROPA!

Whoa! First time magsimbang gabi ng mag-isa. Bukas ulit. Me gusto bang sumama bukas? At sa mga susunod pang araw? :)

Perhaps LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon