My golly!
Kinuha nya na yung bayad ko este ni Lola. Shemay! ARTISTAHIN ang M.O.M.D! (as in, Man Of My Dreams!) Waaah! >___<
Hindi ako maka-get over! Nagwawala pa yung puso ko. Whahaha! XD
That time, hindi ko pa alam na mag-schoolmate lang kami.
Nagpara sya. Nagulat ako kasi dun din ang baba ko. Nauna na akong bumaba, baka kasi mahuli nya akong nakatingin sa kanya. MAYARI pa. Haha!
Sumakay ako sa tryke dahil tinatamad akong maglakad papasok sa school ng ganun kaaga. Pagpawisan pa ako. That's EWW! (MAARTE BA? Minsan lang. Hehehe!)
***
Nang makababa na ako sa tryke, pagkatapos magbayad, nagdire-diretso na ako sa pagpasok sa gate ng school. So, hindi ko na nasilayan si M.O.M.D. (Yun muna ang tawag ko sa kanya, noong hindi ko pa alam ang name nya.)
Pero, nakyu-curious ako kung anong name nya. Anong course nya? Saan sya nakatira? Ilang taon na kaya sya? May girlfriend na kaya?
GIRLFRIEND?!! 0___0.
Malamang sa malamang! Sa gwapo nya ba namang yun, mawalan ng girlfriend? A-S-A, di ba?
EPIC FAIL! >___<
Saka asa pa akong maging girlfriend nya, eh hindi naman ako ganun kagandahan. Pero may karisma namang matatawag. CHARMING daw kasi ako. ^_____^
(OH, WALANG KOKONTRA! Kutos sa'kin! Ha-ha!)
***
Anyways, back to reality. Nang araw na makasabay ko sya, isa lang sa mga tanong ko ang nasagot. IT ang course nya. Thanks sa pagiging chismosa ko sa ibang estudyante. Hoho!
***
Nga pala, ilang beses pang naulit ang pagkakasabay nya sa akin sa jeep. Kung saan, hindi ko expected na makikita at makakasabay ko sya. Grabeng coincident yun!
Hindi ko nga alam kung ano ng ibig sabihin nyon. At ayokong lagyan ng ibang meaning yun.
Kaya kayo rin, wag kayong mag-iisip ng kung anu-ano, huh? THAT'S BAD! Hehehe.
Baka isipin nyong masyado akong assuming, kaya titigilan ko na ang pagpapantasya ko.
***
Nauso nga pala ang clan.
At nakiuso rin ako. (Syempre, ganun talaga. Hahaha!)
At ang pasimuno? Edi walang iba kundi ako. Hahaha! (Mahilig akong magpauso ng kung anu-ano, eh.)
Nang gawin ko ang clan na yun, gusto ko lang makakilala ng mga new friends. Kahit through text lang ay ok na.
***
One day, nagpasa ako ng form sa tropa kong sila Andrew at Meynard. Sila lang kasi ang may number na naka-save sa mahiwagang phonebook ko.
At a year later, aba! (Joke lang!)
Magaling!
Isinali ni Andrew ang mga iba pa niyang tropa. Mga schoolmate at batchmate namin yun.
Nagulat ako. May naligaw na pangalan sa phonebook ko.
Tama ba ang nababasa ko?
MARCUS???
Mygosh! Marcus nga! Buti pa si Andrew alam ang number ni Marcus.
Anyways, ano ba itong dinadrama-drama ko dito.
Atleast, alam ko na ang number ni Marcus.
Maaari ko na syang kamustahin.
Magkakatext na kami. May contact na kami sa isa't isa.
Ang saya naman! ^_____^