Chapter 5: My New Prince Charming?

32 1 0
                                    

My gosh! Confirmed! Nanliligaw si Marcus kay Marie. Well, hindi ko siya masisisi. Maganda siya. Mabait. Kung ako nga magiging lalaki, naku! Niligawan ko na siya noong first year pa lang kami.

Pero nakakaasar talaga, huh? Grrr! Bakit kasi magkatabi kami ni Marie. Mas lalo lang akong nasasaktan. Nandyan kasi yung magbibigay si Marcus kay Marie ng chocolates, flowers and bear.

Sana ako na lang ang bigyan niya! T___T Charing lang! Hahaha.

Tapos kapag naririnig ko ang boses ni Marcus, hayy! Nakakainlove. Walk out tuloy ako. Pumunta ako kila Archie. Mas mabuting sila na lang ang kausapin ko.

"Andrew, hindi mo ba liligawan si Casey?" biglang tanong ni Archie kay Andrew.

"Hoy, loko ka! Kung anu-anong sinasabi mo dyan." sabi ko kay Archie. Loko talaga siya! Makukutusan ko 'tong lalaking 'to.

"Nagtatanong lang naman ako 'no."

"Kailangan bang itanong yun na naririnig ko?"

"Syempre, para alam na kaagad ang sagot."

"Ayokong magpaligaw."

Walk out ulit ako. Akala ko pa naman, may makakausap ako ng matino. Tsk! Lumabas ako ng room namin. Break time pa naman, eh.

Nakatanaw lang ako sa ibang estudyante. I need fresh air. Inhale! Exhale. Inhale. Exhale. Haaayy! Nang biglang may tumabi sa akin. Si Marie! Kasunod si Marcus.

Anak ng tokwa! May pagsunod?! Tofu talaga. Sana naman makilala ko na ang Prince Charming ko!!! Walk out again! >___<

***

Hanggang isang araw...

Nasa canteen ang mga kaklase ko. Na-late ako ng dating dahil may nakalimutan ako sa room namin. 

"Sino siya?" tanong ko kay Nimfa saka naupo sa tabi nito.

"Pinsan ni Sheena." -Nimfa

"Ilang taon ka na, Kuya RJ?" -Mae

"18." -RJ

"Uy, Casey! Nandyan ka na pala. Kuya, siya si Casey. Classmate din namin. Casey, siya naman si Kuya RJ. Pinsan ko." -Sheena

"Hello, Casey." nakangiting sabi sa akin ni Kuya RJ.

"H-hi."

At nagkwentuhan pa sila habang ako ay nakikinig lang sa kanila. Alumni pala si Kuya RJ sa school namin. At bumisita lang sa isa sa mga teacher namin.

Nakatitig lang ako kay Kuya RJ habang nagsasalita siya. Syempre, kapag napapatingin siya sa side namin ni Nimfa. Iwas mode. Buti naman hindi pa ako nahuhuli. Whahaha!

Kahawig pa naman niya ang isa sa mga korean actor. Si Vic Zhou. My gosh! Lei of F4. Crush ko na siya. Bwahahaha! ^______^

***

Ok! Magboyfriend at girlfriend na sila. I mean sila Marcus at Marie. Edi, sila na. Sila na palaging magkasama. Ako na bitter sa isang tabi. Ako na ang ayaw silang makita. AYOKO NA! WAAAAAAH! >___< 

Perhaps LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon