"See you later, Casey! " -Nimfa
"Ok." sabi ko saka pumasok sa frontdoor ng room namin.
"Oops!" sabi ng nakabungguan ko.
Napatingin ako kung sino yun. Oh my gosh! Nabunggo ko si Marcus. Ayayay!
Naman. Naman. Naman!
"Naku! S-sorry!"sabi ko habang nakayuko. I feel sorry talaga. Nakakahiya!
"Ok lang." sabi niya at ngumiti sa akin.
Ayayay! Nginitian niya ako. Chuvachuvachuchu! <3 <3 <3
Kaagad-agad na akong umupo sa tabi ni Sheena.
***
Yun na ang simula ng magulo at nakakalitong paghanga. Hindi ko alam kung sino ang matimbang sa kanila.
I'm always inspired everytime na napapatingin ako sa may backdoor. Doon kasi nakaupo si Zander, as in capital Z! Then, may biglang pagtingin sa frontdoor. Nandoon naman si Marcus. Napapangiti ako ng wagas sa dalawang yan. ^_____^
Pero syempre, hanggang pantasya lang muna ako.
"BAWAL ANG BOYFRIEND!" my Papa quoted to me ng magfirst year ako.
Naman! Bata pa ako 'no? Magte-thirteen pa lang kaya ako. >.<
Saka crush lang naman. Paghanga. Hindi pa siguro love yun. Grabe naman kung ganun. Torn between two crushes? As if alam nilang crush ko sila. Whahaha! At hindi ko sasabihin yun sa kanila. AYAW!
***
Lumipas ang mga araw, naglie-low muna ako sa pagpapantasya kay Mr. M at Mr. Z. Focus on studies muna pero crush ko pa rin silang dalawa.
Pero habang focus sa studies, syempre may libangan pa rin naman ako. Yun ay ang pagbabasa ng tagalog romance pocketbook. Grabe ang impluwensya ng mga ka-close ko ng kaklase.
Dahil dun, nag-set kami ng ideal guy namin. Yung guy dun sa nababasa namin. Mayaman. Mapagmahal. May hitsura. Parang fairytale lang. Hahaha! Pero syempre, alam naman naming fictional lang yun. Kaya hanggang pangarap lang kami.
Hanggang sa magkaroon ng groupings sa isang subject namin. And know what? Magka-group kami ni Mr. M! As in, Marcus Garcia. Swerte nga naman! Hahaha.
Doon kami nagkaroon ng pag-uusap. Pero ang pag-uusap naming yun ay civil lang. As in, tanungan lang ng kung anong dapat gawin sa activity. May pagka-kalog pala si Marcus kahit medyo tahimik. Kaya hindi ko mapigil ang mapangiti sa kanya. Idagdag pang kakaiba din ang sayang nararamdaman ko kapag napapatingin ako sa mukha niya.
Hayy! Heaven. I feel like I'm riding on a cloudnine!
Ale, nasa langit na ba ako? Mama, kayo po ba si San Pedro? Ok lang sa akin kung ako'y dedbol na. Basta't ikaw ang lagi kong kasama. Kaya, Ale. Nasa langit na ba ako?
Napapakanta tuloy ako. Hahaha. Ang saya talaga!
At lumipas pa ang ilang buwan hanggang...