It's Friday night.
Happy-happy kami wala ng pasok bukas. Second year college na nga pala kami.
Nang biglang magyayaya si Marcus. Gala naman daw kami. Kasama yung mga tropa namin.
As in, tropa kong boys at tropa kong girls.
So, sa kagustuhan ko ring gumala kasama sila ay kaagad-agad ko silang niyaya.
Yung tropa kong boys ang unang sumang-ayon na sasama sila.
Samantalang, yung mga tropa kong girls ay mahaba-haba pang pakiusapan ang nangyari. Pero sila may alibi.
SI BETTINA.
"Girl, sama ka bukas. Please. Gala tayo." -Ako
"Sasama ba si Micah?" -Bettina
"Yayayain ko pa lang. Please, sama na kayo."
"Kapag sasama sya, sasama na rin ako."
"Sige, sige. Kukumbinsihin ko sya. Thanks! :)"
SI MICAH.
"Girl, sama ka bukas. Please. Gala tayo." -Ako
"Maglalaba pa ako ng damit namin." -Micah
"Anong oras ka matatapos? Please naman. Sama na kayo. Para makita nyo na rin yung highschool crush ko."
Naikwento ko na kasi sa kanila ang Undying Admiration ko about kay Marcus.
"Ok. Sige. Aagahan ko na lang din ang paglalaba para matapos ng maaga. Anong oras bukas?" -Micah.
"Salamat talaga, Micah! I love you! :) Mga bandang 2pm."
"Sabay na kami ni Bettina. Susunduin nya ako dito sa amin para payagan ako ni Nanay na umalis after maglaba."
"Ayos yan. Hintayin ko kayo sa meeting place natin, huh?"
"Ok!"
SI GELAI.
"Girl, sama ka bukas. Please. Gala tayo." -Ako
"Tayo lang ulit bukas?" -Gelai
"Nope. Niyaya ko na rin sila Micah at Bettina."
"Aba! Masaya yan. Hindi na tayong dalawa ang gagala."
Palagi kasi kaming magkasama ni Gelai sa paggagala every Saturday nung first year college kami dahil na rin sa half-day ang pasok sa school.
"So, kitakits na lang bukas. Text-text, see you! ;)"
***
Whoa! Medyo nahirapan ako dun, ah? Hahaha. Pero ayos na ang lahat. Makikita ko na rin si Marcus after one year? Or more than a year. ^___^
Parang ang sama ko? May iba pala akong motibo sa pagseset ng group date na yun. Pero ganun talaga, para-paraan lang. Whahaha! ^o^