Kinabukasan, I look so pale. I don't know why. Pero pumasok pa rin ako.
Sinabihan ko sila Archie, Andrew at Marcus na pinayagan na ako para sa PromNight. Pati pala sila Sheena at Nimfa. Naiinggit nga sa akin, eh. Kaso, decided na talaga sila. Hindi sila pupunta.
Masakit pa rin ang ulo ko. Ang tahimik ko nga kila Sheena at Nimfa, eh. Nakikinig lang ako sa mga stories nila.
***
Maaga kaming pinauwi para daw mapaghandaan ang PromNight. Syempre, hindi mawawala doon ang pag-aayos sa buhok ng mga kababaihan at pagpapaganda nila. Pati ang lalaki din, kailangang magpagwapo.
Bakit parang hindi ako excited? Nakakaasar naman. Ang sakit talaga ng ulo ko.
Nang makauwi ako, nadatnan ko si Mama. At kaagad akong nilapitan.
"Ang putla mo, Cassandra?"
"Ma, ang sakit din ng ulo ko."
"Samahan kita sa clinic."
"Pero, paano ang Prom--"
"Hindi mo naman maeenjoy yan kung may iniinda kang sakit. May next year pa naman. Hala, at magpalit ka na ng damit. Ipapacheck-up kita."
Kahit parang nanghihinayang ako na hindi ako makakapunta sa JS Prom. Hindi ako maisasayaw ni Archie.
Pati pala ni Andrew. Eh si Marcus din, hindi ko maisasayaw. >__<
***
After the JS Prom...
Monday morning! Pagpasok ko sa school, usap-usapan ang nangyari noong Friday sa JS Prom.
Naupo ako sa upuan ko habang nakatulala lang. Wala pa akong makausap, eh.
Nang biglang dumating si Archie.
"Casey, bakit hindi kita nakita nung Friday?"
"May pinuntahan kasi, eh. Pasensya na, ha?"
"Ayos lang. Tignan mo yung picture namin." sabay pakita ng picture sa wallet.
"Wow! Ayos, ah? Mukha kang tao dito. Haha!" pang-aasar ko.
"Ang sama!"
"Joke lang. Pero infairness talaga, tol! Dapat pala palaging may JS para mukha kayong maayos."
"Parang hindi kami maayos, ah?"
Nang biglang...
"Casey! Ok ka na ba?" -Nimfa
"Grabe ka naman makasigaw, Nimfa."
Nasa frontdoor palang kasi siya ng tawagin ako.
"Nakainom ka na ba ng gamot? Buti hindi ka naconfine 'no?" -Nimfa
"Bakit? Ano bang nangyari sayo?" -Archie
"Wala yun! Ok na ako. Masyado lang akong kulang sa dugo. Anemic kasi." nakangiti kong sabi kay Archie.
"Ahhh. Hindi ba't nauuwi sa sakit na Leukemia yun?" -Archie
"Don't worry. Naagapan naman na, eh... Sa akin na nga pala 'tong picture mo. Remembrance!" sabay takbo ko.
"Uy, Casey! Akin na yan. Ibalik mo yung picture ko!" sigaw ni Archie.