"Ilang taon din ang nasayang, kayo din naman pala ang magkakatuluyan."
"Weh? Kayo na nga? Di nga?"
"Parang noong highschool tayo, wala kayong kamuwang-muwang sa mundo. Tapos ngayon, magboyfriend/girlfriend na kayo?"
"Waah! Congrats sa inyo. Sana magtagal kayo."
"Paano na si Andrew, may Marcus ka na pala?"
Ilan lang yan sa mga comments ng mga highschool classmates namin ni Marcus simula ng maging KAMI. AS IN, OFFICIALLY!
***
Parang naaalala ko pa nga noon. Hanggang sulyap lang ako sa crush ko, ngayon kahit titigan ko pa siya PWEDE NA.
Kung noon, iniiwasan akong itext ni Marcus. Ngayon, hanggang sa makatulog na ako, siya pa rin ang katext ko at katawagan.
Nang maging KAMI, feeling ko nagMATURED na ako.
Kasi naman, kung dati hindi ako maghihintay sa isang tao dahil mainipin ako. Ngayon, nagagawa ko ng maghintay (lalo na sa kanya).
Mainitin ang ulo ko noon, pero pagdating sa kanya nagiging pasensyosa ako.
At marami pang kung anu-anong bagay ang natutuklasan ko.
Tama nga ang kasabihang, MARAMI KA PANG HINDI ALAM. (Wushh! Ano pong konek? Hahaha! WALA LANG!)
***
Sa isang relationship pala, hindi lang puro SAYA ang mararamdaman mo.
May times na, maiinis ka kasi parang minsan gusto mong lambingin ka ng partner mo.
Minsan naman, ang sarap mang-asar sa partner mo tapos saka mo susuyuin siya para lang SWEET ang dating.
Hindi rin maiiwasan ang selosan. Kahit alam mong friends lang sila, pero dahil malayo siya sayo hindi mo alam kung anong ginagawa niya na hindi mo nakikita.
Hindi naman sa wala kang tiwala sa kanya, syempre nakakatakot din naman kasing malaman kung nagloloko ba siya o hindi.
At dahil sa salitang SELOS, well. May nakaaway ako na nagalit itong girl kay boyfriend ko.
***
Remember niyo, si Joyce?
(A/N: Nasa Chapter24: Friendship Over.)
Hindi ko naman siya totally nakaaway. That time kasi, alam na niyang may girlfriend yung tao ayaw pang tigilan ang flirting session.
Hindi naman ako magseselos kung hindi lahat ng kaklase ni Marcus boto sa kanila. Palibhasa, magtotropa sila. Lagi silang magkakasama.