Simula ng maging sila, hindi na ako tumatambay sa labas ng room. Palagi ba namang nandun ang lovers na yun. Kaya, heto ako. Tambay sa upuan ng mga boys. Kausap si Archie na maloko. Sarap kutusan. Hmp!
"Uy, tol! Sinong crush mo sa mga kaklase natin?" tanong ko sa kanya ng maupo ako sa tabi niya.
"Bakit mo tinatanong?" naniningkit ang matang balik-tanong niya sa akin.
"Curious ako. Bakit ba? Sabihin mo na. Baka kilala ko. Ligawan mo."
Biglang natawa si Archie. Aba! Baliw 'to! Tumatawa mag-isa? Join mo kaya ako, para hindi ka magmukhang baliw.
"Kung anu-anong naiisip mo, kumain ka na ba?" -Archie
"Wag mong ibahin ang usapan, dude. Bilis na! Hindi ko naman sasabihin kahit kanino."
Napatingin ako sa may frontdoor. Pumasok si Marcus. Napagawi ang tingin niya sa amin. Iwas naman ako ng tingin. Whew! Tumingin na lang tuloy ako sa side ni Archie. Nakita ko namang nag-iwas ng tingin si Andrew. Problema nito?
"Ano na? Kilala ko ba yan at hindi mo masabi sa akin?"
"Lapit ka. Ibubulong ko sayo. Pero wag mong sasabihin kahit kanino, ha?" -Archie
"Swear." sabi ko sabay lapit sa kanya ng right side face ko. "Pakibilisan lang, huh?"
"Crush ko si..."
Tofu! Bagal ng lalaking 'to.
"Sino?"
"Si..."
Ayt! Pa-suspense ang drama!
"Sino nga?"
"Si..."
Niloloko na yata ako ng isang 'to. Lumayo na tuloy ako sa kanya.
"Babanatan na kita!" sabi ko sa kanya.
"Excited ka naman masyado, Casey." natatawang sabi niya sa akin. "Halika, ibubulong ko na nga sayo kung sino."
"Ayusin mo, kung mahal mo pa buhay mo."
Nakakagigil talaga 'to! Naiinis na kasi ako. Tinatawanan pa ako. Trip ako?! Hmp!
"Si Mae."
Napalayo ako sa kanya. At napatitig sa mukha niya.
"Si--"
Sasabihin ko pa lang sana ng bigla niyang tinakpan ang bibig ko.
"Wag kang maingay, Casey."
Nagpumiglas ako at inalis ang kamay ni Archie. Grabe 'to!
"Loko ka, Archie!" iiling-iling na sabi ko sa kanya.
"Sasabihin mo kasi--"
"Adik ka ba? Nagulat lang ako."
"Basta wag mong sasabihin, ha?"
"Sure." at ngumisi ako sa kanya. "Andrew, bantayan niyo yan si Archie."
At lumapit ako kay Mae. Gagawa lang ako ng trick. Hahaha. Pinagtripan ako, eh.
"Casey, don't you dare." -Archie
"Why? Wala pa naman akong ginagawa, ah?" maang-maangan ko sa kanya. Bwahahaha!
"Bakit, Casey?" -Mae
"Ewan ko ba dyan kay Archie. Nababaliw na yata."
Umupo ako sa tabi niya. At nakipagkwentuhan na lang. Ito ring isang 'to. Crush ko. Para kasing manika, ang cute! Niligawan din kaya siya ni Marcus?
"Alam mo ba? Crush ko si Kuya RJ."
Napatitig ako sa kanya. Whew! Crush niya rin si Kuya RJ? Ok ipapaubaya ko na sa kanya. Ayokong may kahati sa crush. Choosy ko 'no? Hahaha. Huhuhu. Ako yata ang nababaliw, eh. >_____<