Elementary days...
*FLASHBACK*
Magkakaklase kami ni Archie. At si Andrew lang ang napahiwalay sa amin ng section that time. Nung grade five lang kami naging magkaklase ni Andrew, syempre kasama si Archie.
Hindi ko alam na ang dati kong tinulungan manligaw sa close friend ko ay magkakagusto sa akin.
Sino sya?
Edi si Andrew.
Nakakagulat, 'di ba? Oh, well! Hindi ko talaga expected yun. Kasi ang ganda ng pakisama ko sa kanya noon. Tamang sabi ako ng gagawin nya para maging masaya yung close friend ko. Kung paano sya mapapansin nito. At kung anu-ano pa.
Naiisip ko nga minsan na ang awkward.
Bakit sya palaging nanghihingi sa akin ng advice kung ano ang kailangan nyang gawin? Tama ba yung gagawin nya? At kung anu-ano pa na nagugulat na lang ako dahil nasa tabi ko na sya at nag-uusap na kami kahit hindi naman kami ganun ka-close sa isa't isa.
Isa pang awkward na nangyari ay akala ko naging crush ko sya. Can you imagine? Hindi ako sigurado kung naging crush ko nga sya talaga? Medyo magaling kasi sya sa Math. Ang aking favorite subject.
Back to grade six days...
So, yung close friend kong girl ang naging kaklase ni Andrew.
Then, one time habang recess time...
Nagkasabay ang labasan ng section namin at section nila Andrew..
Habang nakatanaw ako kung saan-saan lang...
"Casey!"
May tumawag sa akin. Boses ng babae.
*Lingon.lingon.lingon*
Nasaan kaya yung tumatawag sa akin?
"Casey!"
Isa pa ulit na tawag sa akin. This time, boses naman ng lalake.
Napatingala na ako. Nasa taas kasi galing yung boses.
At doon ko nakitang kumaway sa akin ang close friend ko katabi si Andrew. Parehas na nakangiti sa akin. So, bilang response ko ay ngumiti na rin ako sa kanila. Kahit na mukhang timang ako kanina na palingun-lingon sa kakahanap ng tumawag sa akin.
Matapos ang ngitian portion, biglang nagsalita si Florence. (Yung close friend ko.)
"May sasabihin ako." she mouthed.
"Ano?" sigaw ko naman.
"May crush sayo si Andrew." nakangiti pa nyang sabi.
On my cue...
WHAAAAAAAAAAAATTTTT?????
Tama ba yung narinig ko???!!!!
Crush ako ni Andrew? Oh my! Kalokohan na 'toh!
Tumingin ulit ako sa kanya. Nakangiti pa rin si Florence habang si Andrew hindi itinanggi ang sinabi ni Florence.
So, totoo nga???!!!!
Alam nyo ba kung anong naging reaksyon ko?
Nagmuwestra lang naman ako ng nakakuyom na kamay kay Andrew. Which means, "Suntok, gusto mo?"
At saka ako nagwalk-out papasok sa classroom namin.
***
Hindi pa natapos ang araw na yun. Dahil nung lunch break namin ay palagi ko syang nakikitang padaan-daan sa classroom namin. At sa sobrang bugnot ko sa pangyayari kaninang umaga, bigla akong lumabas ng classroom.
Para akong timang nung lapitan ko sya.
Bigla kong hinigit yung kwelyo ng uniform nya.
"Nakakaasar ka!" -Ako
"B-bakit ba?" -Andrew
"Wag ka ngang papansin dyan!" sabi ko ulit sa kanya at pinakawalan ang kwelyo nya sabay pasok ulit sa classroom.
Hindi ko na sya tinignan pa ulit dahil yumuko na kaagad ako sa armdesk ng armchair ko.
Feeling ko, masyado talaga akong assuming that time. Dahil naisip ko, baka talagang doon lang sya daan ng daan dahil may dinadaanan syang iba. Nagjumping to conclusion lang ako na ako yung pinagpapapansinan nya.
At ang lakas talaga ng loob ko para magbanta sa kanya na para akong lalaki dahil kinuwelyuhan ko pa sya. IMAGINE THAT???
***
At dahil siguro sa pangyayaring yun ay hindi ko na ulit pa nakita si Andrew na dumadaan sa harap ng classroom namin.
And that's better. Irritated yata ang mata ko sa kanya.
*END OF FLASHBACK*
So, iyon ang pangyayari nung elementary kami.