***
Iyon na talaga ang last na nakita ko si Marcus. Hanggang mag-graduation, hindi ko na siya nakita.
Wala akong contact number niya. Hindi ko alam kung saan siya magka-college. Bye bye Marcus na ba talaga? :(
***
First year college na nga pala ako. Masaya naman kahit paano. Yun nga lang hindi na kami magkakasama ng mga tropa ko.
Magkakaiba kami ng school na pinasukan. At magkakaiba din kami ng course na t-in-ake up.
Makaexperience lang ng kakaiba. Hehehe! ^___^
***
Nga pala! May mga new friends na ako. Sila Micah, Gelai, at Bettina. Mga popular yan sa school namin. Hindi lang kasi beauties, may brains din. (ALAM NYO NA?)
So, lapitin ng mga lalaki. Pero CARE NAMIN? I mean, CARE PALA NILA? (ASSUMING PALAKA LANG, 'TEH? Ho-ho-ho!)
Syempre, kahit lapitin ng lalaki... May mga natatanging crushes kami. Gusto mong malaman?
.
..
...
Uyy! Gusto mo ngang malaman. Ha-ha!
So, eto yun. Si Micah, crush yung chinito guy dun sa kabilang classroom. IT ang course nya. Si Bettina, crush nya rin yung isang chinito guy na medyo matangkad. (Eh kasi, matangkad din sya.) Si Gelai naman, crush yung varsity basketball player namin. Hindi naman sya kasikatan, pero matatandaan mo yung mukha nya. At AKO? Hmmm. Oh well! Crush ko yung Campus Fashionita namin. (AMBITIOUS FROGLET 'NOH? Actually, ang dami kong kaagaw sa kanya.) Kaya nakakaasar! >_<
Sabi nila, hindi na daw kataka-taka kung bakit ako nagkacrush sa kanya. May height kasi. Matangkad, maputi, makinis ang balat. Magaling pumorma. Pamatay ang Killer Smile. (AYT! Killer smile nga kasi kaya PAMATAY! Tsk!)
Pero hindi lang dahil dun kung bakit ko sya naging crush. (BAKIT NGA?) Ganito kasi yun...
*FLASHBACK*
Pumara ako ng jeep. Kasi papasok na ako sa school. At ng makasakay na ako, dedma lang ako sa mga kasakay ko. Kiber ko bang pansinin sila. Hmp! (TARUSH!) Syempre, wala pa ako sa mood dahil maaga pa. Tulog pa ang kaisipan ko that time.
Edi nagbayad na ako. Dahil malapit ako sa driver, ako mismo nag-abot ng bayad ko. And then, habang nasa byahe. Napansin kong lalaki pala ang katabi ko. Pero nakatalikod sya sa akin. Kaya hindi ko sight ang face nya.
So, iyon nga. Nagbabaan na yung ibang pasahero, so usod mode ako palayo dun sa guy na malapit kay Manong Driver.
Maya-maya, huminto yung jeep dahil may nagpara na matanda. Pagkasakay nya, napatabi sya sa akin. At sa akin nya pinaabot yung bayad.
"Bayad daw po..." -Ako
Inaabot ko yung bayad sa guy na katabi ko kanina. At nang abutin nya yung pera sa kamay ko...
OH MY! 0_0.