Chapter 4: Happy Heart Turns To Broken Heart!

44 0 0
                                    

Result for National Achievement Test!

#105

Cassandra Dela Cruz

Marcus Garcia

Huh? Tinitigan kong mabuti yung naka-print sa listahan. Hindi nga? Dalawa lang kami? SOULMATE? DESTINY? Ahhh. Coincidence lang siguro.

Anyway, hinahanap ko yung Mama ko. Pero hindi ko alam kung talagang mahahanap ko siya. Kasi hindi siya nagsabi na sigurado siyang pupunta sa school. Bukod kasi sa NAT result, kuhanan ng card namin for our first grading.

Habang naglalakad sa corrigidor, nakasalubong ko si Marcus. With his serious looking mother. Whoa! Scary. >__<

"Marcus!" tawag ko sa atensyon niya.

"Oy!" sagot niya sa akin. Ang ganda ng pangalan ko 'no? Para Casey lang ang itatawag. Hmp! "Nakita mo na yung NAT result?"

"Hindi pa nga, eh. Ikaw?"

"Yup! Parehas tayong nasa number one-o-five."

"Talaga?"

"Oo. Tayo nga lang ang may-ari ng slot na yun. Astig, di ba?"

"Oo nga. Astig."

Ngumiti lang ako sa kanya. Ang saya naman. Magkausap kami.

"Nasaan na ba ang room niyo?" -Mrs. Garcia

"Oh, sige. Mauna na kami." paalam ni Marcus sa akin.

"Sige." ^_______^

***

Hindi na naulit ang usapan naming iyon ni Marcus.

"Uy, Zander. Paturo naman sa Math, oh? Nalilito talaga ako sa factoring. Sige na." pangungulit ni Sheena kay Zander.

"Oo nga, Zander. Nasakit na ulo namin dyan sa factoring na yan. 'kalito talaga." pakikisabay ko rin kay Sheena.

"Kayo talaga! Oh, siya. Ano bang equation ang hindi niyo masagutan?"

Yes! Ang bait talaga ni Zander. Buti na lang at kasama ko si Sheena. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ko makaka-close itong si Zander.

Pero bakit ganun? May kakaiba. Napapa-smile lang ako kay Zander hindi katulad kay Marcus. Na pati puso ko, nakikisaya. Confuse! Hindi kaya mas crush ko si Marcus kaysa kay Zander?

Napatingin ako kila Zander at Sheena. Ahhh. Saka ko na iisipin yan, yung factoring ang kailangan kong pagtuunan ng pansin. >___<

***

Hanggang sa natapos ang school year. Third year na ako. Whoa! Wait! Tama ba yung nababasa ko?

Magclassmates ulit kami nila Sheena, Marcus at Zander. Plus Nimfa. Yehey! Magclassmate na rin kami ng bruha. Well, si Janine. Yun! Section 1 pa rin.

Pati pala ang mga girls na crush ko. Sila Mae at Marie. Well, hindi naman ako lesbian. Sadyang humahanga lang ako dun sa dalawa. Paano ba naman, napaka-popular sa mga kalalakihan.

Whoa! Si Archie, na classmate ko since elementary. Classmate ko din. Pati ang lalaking may crush daw sa akin na si Andrew.

***

Nothing more special sa mga dumaan na araw nang magsimula ang school year namin. Well, hindi ko na makausap si Marcus. Ang palagi ko kasing kausap ay sila Sheena, Nimfa at Zander. Kami-kami ang palaging magkakasama.

***

Hanggang isang araw...

Lumapit si Marcus with matching flowers. Papalapit siya sa may upuan ko. Hanggang sa tumigil siya sa harapan...

Ng katabi ko.

Kay Marie.

Akala niyo sa akin na 'no? Haha. At hindi rin ako umaasa. Pero bakit may OUCH akong nadarama? 

Perhaps LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon