Chapter 14: Undying Admiration???

20 0 0
                                    

Shocks! Nagtext back na si Marcus!!! Bakit ganun? Kinikilig ako? Nabasa ko lang naman ang text ni Marcus.

Para akong timang. As if naman na nasa harap ko lang sya? Anyways, kailangan kong magreply sa kanya. Baka bigla syang maboring sa akin.

Kaya, Casey! Mag-isip ka ng reply mo.

To: Marcus

"Kamusta?"

From: Marcus

"Eto, ok lang naman."

Wow naman! Hahaha. Ang swerte ko dahil magkatext kami. Ang babaw ko 'noh? Pero, mababaw lang kasi talaga ang kasiyahan ko. ^^, 

To: Marcus

"Saan ka na nga pala nag-aaral?"

From: Marcus

"Sa *toot*. (Wala akong maisip na name ng school.) Eh ikaw?"

To: Marcus

"Ako, sa *toot* (Censored ulit. Isip na lang kayo ng school na magkalayo. Hehehe.)

Nagtaka pa ako ng hindi na sya magreply.

AYT! BITIN NAMAN, EE!

Ilang oras pa nga ako naghintay ng text nya. Pero, hayun! Nakatulog na ako sa paghihintay ng reply nya.

***

Ilang araw ulit, bago ako nagkaload. Syempre, every weekends lang ako nagkakaload dahil busy sa studies.

Pero, iba ng araw na yun. Wala pang Saturday, nang biglang nagpadaan ng GM si Marcus sa aking pinakamamahal na cellphone.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong naexcite nung mabasa ko pa lang ang text nya. Kaagad akong nagdalawang isip kung magloload na o hindi pa.

Magloload o hindi?

Ngayon na ba o bukas pa?

Magtetext kaya sya kapag nagtext ako sa kanya o masasayang lang ang load ko?

Makulit ba ako o pasaway lang?

ANO BA TALAGA?!!!!! >____<

*Hi, Sweetie! Text message.*

Ayan! May load na po ako. Dali-dali akong nagregistered sa unli two-days. (Eh adik nga po kasi. Hahaha! ^____^)

Kaagad-agad akong nagtext kay Marcus.

Nagreply naman sya after ten minutes.

Hanggang...

*blah.blah.blah*

Palitan na kami ng mga messages.

Pero katulad nung nakaraan, bigla na naman syang hindi nagtext.

By the way, hindi lang pala sya ang nakatext ko ng araw na yun. Nang makapagregistered kasi ako sa unlimited text ay nagpadaan ako ng GM sa iba.

So, nagulat ako dahil hindi naman madalas magpaload si Andrew. Pero nung oras na nagtext ako ay kaagad syang nagtext sa akin. Ayokong mag-isip masyado ng kung anu-ano. Pero hindi ko maiwasang isipin na siguro nga ay hindi pa rin nawawala ang infatuation sa akin ni Andrew. At saka ko naisip na hindi pa rin nawawala ang infatuation ko kay Marcus.

Perhaps LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon