Chapter 18: It's A Group Date...

23 0 0
                                    

It's Saturday...

Sunud-sunod na message ang natatanggap ko sa inbox ko.

Grabe naman 'tong mga tropa ko. Parang mang-iindian ako, ah?

Hindi ko gawain yun pagdating sa galaan. Hahaha. ^o^

CASEY, THE EXPLORER ata ako.

***

Malapit ng mag-alas dos ng mga oras na 'yon. Puro text na ako sa mga girlfriends ko.

Alam kasi nilang mainipin ako at well, ako ang madalas na VIP sa amin.

As in, pa-importante talaga ako. Mahilig kasi ako sa Juan Time. (Alam niyo na 'yon! As in, palaging late sa usapan.)

Naghihintay na ako sa meeting place namin. At todo text na rin sa mga hinihintay ko pati na rin sa mga imi-meet namin.

Naeexcite na rin akong makita si Marcus, na kakatext lang sa akin. At nagtatanong kung nasaan kami.

Super kilig naman ako! Hahaha! ^_____^

***

After a decades, naubos ko na yung binili kong milk chocolates ng nagdatingan na rin ang mga girlfriends ko.

Hay! Sa wakas, papunta na rin kami sa meeting place naman naming buong tropa.

Habang nasa daan, puro kwentuhan sila. Habang ako, heto nakikinig lang. Iniisip kung anong mangyayari mamaya.

Lutang ang kaisipan ko. Hanggang sa mabanggit nila ang crush ko. Tama! Si Marcus.

"Anong hitsura ni Marcus?" -Gelai

"Hindi kagwapuhan, maputi. Ewan ko lang kung matangkad na siya. One year din kasi kaming hindi nagkita." -Ako (habang iniimagine si Marcus)

"Hmm, let's say the final verdict kapag nagkita-kita na." -Micah

"Tama. Wag ka masyadong pahalata mamaya, Casey." -Bettina

"Naman! Ako pa? Wag kayong mag-alala. Basta walang mang-aasar sa amin. Hahahaha!"

***

Nandito na nga kami sa mall. Mukhang nagkasalisi kami ng mga tropa kong boys.

Kakaalis lang daw kasi nila ng makarating kami sa may food court. Kaya hayun, hintayan mode.

Mabuti na lang at hindi masyado nainip ang mga girlfriends ko.

Laughtrip pa nga kami habang nagpi-picture taking.

At sa ganoong tagpo kami naabutan ng mga tropa kong boys.

"Oh, hi!" sabi ko ng makita ko sila. Mabilis kong hinanap si Marcus.

"Hi, Casey! Long time no see, ah?" nakangiting bati sa akin ni Marcus.

"Marcus! Miss na miss na miss na kita!" bigla ko siyang niyakap. Niyakap ng mahigpit na mahigpit. As if, parang magkasintahan sa sobrang higpit. Hahaha!

Pero syempre, joke lang yun! Daydreaming ko lang yun. Hahaha!

"Oo nga. Long time no see nga, Marcus." nangingiti kong na lang sabi. Muntikan ko pa nga siyang i-hug eh. Pero syempre, hindi ko ginawa. Masyado akong magiging obvious, di ba?

Bago ko pala makalimutan ang lahat. Foursome kami ngayon. Apat na girls at apat na boys.

Sa girls, syempre Ako, si Gelai, Micah at Bettina.

Sa boys, si Marcus, si Archie, Robert (classmate namin ni Archie noong grade six kami.) at si Andrew.

Ginawa ko ng partner by partner para hindi kayo mahirapan. Hihihi! Ang landi ko! >___<

Perhaps LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon