"Casey, nagkausap nga pala kami ni Marcus." sabi sa akin ni Andrew noong isang araw.
"Anong pinag-usapan niyo?"
"Na mahal na kita simula pa noong elementary tayo."
So? Anong gusto mong gawin ko? "Tapos?"
"Pinauubaya ka na niya sa akin."
Hah? Ang lakas naman ng loob nitong sabihin sa akin yun. Bakit? Hindi naman sila ang magdedesisyon sa nararamdaman ko, eh.
Speechless ako! Grabe!
"Tinanong niyo ba ako kung kanino ko gusto? Hindi naman, diba? Saka bakit parang bata kayo mag-isip? Isipin niyo nga ang nararamdaman ng ibang tao. Hindi kayo ang magdedesisyon sa lahat ng bagay. Lahat tayo ay may sariling isip. Kaya naman kaya natin magdesisyon with our own."
***
"Nakakaasar lang, Archie. Bakit sila ganun?" naiiyak kong sabi kay Archie.
"Bakit, Casey?"
"Bakit kailangan nilang mag-away ng dahil sa akin?"
"Mahaba kasi ang kulot mong buhok. Hahaha!"
Tumawa pa ang loko. "Ha-ha! Nakakatawa ka." sarcastic kong sabi.
"Eh maswerte ka kasi. Dalawa silang sabay na nagmahal sayo."
"Maswerte ba yun? Eh ako nga ang dahilan ng muntikang pagkakabuwag ng grupo."
"Hindi ikaw ang problema. Sila ang problema."
"Pinagpapasahan nila akong dalawa."
"Paanong pinagpapasahan ka nila?"
"Tama ba kasing ipaubaya ako ni Marcus kay Andrew? Nakakaasar talaga sila!"
"Ayaw mo ba talaga kay Andrew?"
"Matagal mo ng alam yan."
"Ah, oo nga pala. Dahil kay Marcus. Kawawang Andrew."
"Matagal ko na kayang sinabi sa kanya na maghanap na siya ng iba. Makulit siya!"
"Easy ka lang, Casey. Nasaan na ang mahinhin at mahiyaing Casey noong high school tayo?"
"Wala na. Nagbago na siya."
"Oo nga. Umiibig ka na, eh."
"Sana kasi sayo na lang ako nagkagusto. Atleast, hindi ako nasasaktan ng ganito para sa dalawa nating kaibigan."
"Oo nga. Sana nga. Sasaluhin naman kita, eh."
Buti pa si Archie, understanding!
***
"Nagkausap na pala kayo ni Andrew." sabi ko kay Marcus ilang araw matapos namin mag-usap ni Andrew.
"oo. Pinuntahan niya ako sa restaurant namin."
So, ganun na lang yun? "Bakit ang bilis mong sumuko?" Naiiyak kong tanong sa kanya?
"Sa tingin ko kasi, mas sasaya ka sa kanya."
"Sa tingin mo lang! Ang hirap kasi sa inyo, hindi niyo man lang tinanong sa taong involve kung ano ang nararamdaman niya."
Tahimik lang siya.
"Ngayon, sabihin mo sa akin. Bakit kayo magkaaway ni Andrew?"
"Dahil nga sayo."
"Hindi niyo naman kailangan mag-away dahil lang sa akin. Magkaibigan kayo."
"Sabi niya sa akin kani-kanina lang. Kung mahal daw talaga kita, wag daw kitang papakawalan."
"Nagkausap na kayo ulit kaagad? Anong sabi mo?"