That's it! Tropa na namin si Marcus. Which means, palagi na naming makakasama. Naku naman!
Is this mean another chance na mapabilang ulit siya sa Crushes List ko? One more chance ba itech? Naman, naman, naman! Matutuwa na ba ako?
***
Matuling lumipas ang araw. Araw na naging linggo. Linggo na naging buwan. Hanggang...
"Pupunta ka ba sa JS Prom natin, Casey?" -Archie
Oo nga pala. Bukas na pala ang PromNight namin.
"Hindi ko lang alam. Bakit ikaw? Pupunta ka ba?"
"Oo. Pumunta ka na."
"Bakit kailangan kong pumunta?"
"Para maging first dance mo ako."
"Oo nga, 'tol! Ikaw ang gusto kong maging first dance."
"So, pupunta ka na?"
"Bahala na."
***
"Sheena... Nimfa... Pupunta ba kayo sa JS Prom natin bukas?"
"Ako, hindi. Hindi ako pinayagan ni Mama." -Sheena
"Ako, ayoko. Matutulog na lang ako." -Nimfa
"Ganun ba?"
Wala pala akong makakasama if ever.
***
Recess time...
Nilapitan ako ni Andrew.
"Pupunta ka ba sa JS natin?" -Andrew
"Hindi ko pa alam. Hindi pa ako nagpapaalam, eh. Bakit?"
"G-gusto sana kasi kitang isayaw."
"Bakit?"
Stupid question, Casey! Paulit-ulit ka. Tsk!
"T-tropa tayo, eh!"
Bakit ba nag-i-stammer siya? Anong meron? Totoo kayang may crush siya sa akin? Pero bakit sa akin?
[A/N: Ayy, baka pwede sa akin? Sayo nga, di ba? Cassandra, wag makulit!]
***
Mag-uuwian na...
Nang lapitan ako ni Marcus. Magtatanong din ba 'to, huh?
"Casey, pupunta ka sa JS bukas?"
Sinasabi na nga ba! Bakit kasi hindi na lang nila ako kinausap ng sabay-sabay kanina?
"Hindi ko pa alam, eh."
"Ganun ba? Sana naman makapunta ka."
Bakit? Gusto mo rin ba akong isayaw? Gusto ko sanang itanong sa kanya. Kaso, nakakahiya kaya. Kaya wag na lang.
"Sige, see you tomorrow! Ingat ka sa pag-uwi."
At nauna na siyang umalis. Yun lang yun? Hindi man lang nagtanong kung gusto niya akong isayaw? Masyado ka kasing assuming, Casey!
***
Dumiretso kami ni Nimfa sa computer shop. At doon nagsearch ng nagsearch about sa mga bagong anime series at mga anime pictures.
Naka-2hours kami sa shop. Kaya siguro ang sakit na ng ulo ko. Masyado na yatang madaming radiation ang nasagap ko, idagdag pa ang init ng panahon kanina.
Hanggang sa makauwi na ako sa amin. Kaagad akong uminom ng gamot para mawala na ang sakit ng ulo ko. At sana maging ok ako bukas.
Pinayagan na ako nila Papa na umattend sa PromNight. Yipee! ^___^
BINABASA MO ANG
Perhaps Love
Roman pour AdolescentsAll about high school friends, crushes and life.