Chapter 18: Confession
Kaizer's PoV
Naglalakad ako papunta sa sala namin nungmay madinig akong nag uusap kaya tumigil ako at nag tago para di nila malaman na nandito ako.
"WHAT!? No ate. Hindi pwede ate!!! I don't!!!"
O ba't naman nasigaw tong kapatid ko?
Hindi pwede? Anong hindi pwede?
"Bakit hindi pwede?"
"Dahil.... Dahil ayokong masaktan!!! Ate ayoko!!!"
Masaktan? Ba't naman sya masasaktan? Aish!! Di ko ma gets!! Sana pala ay inagahan ko ang dating.
"Shhhh stop Iyah, okey? Wag ka na umiyak. Alam mo kasi pag nag mamahal ka lagi kang masasaktan kahit pa ayaw mong maramdaman yung sakit na yon. Dahil sa ang love at pain mag kakambal yan."
"For example, si love at pain ay mag kapatid. Tapos ang lagi lang binibigyan ng gamit, pera at iba ng mama at papa nila ay si love. Syempre makakaramdam ng inggit si pain kaya lalapit sya kay love at sisingit para mabigyan din sya. Ganun lang yun. Kasi kung puro love lang nakakasawa yun. Kailangan meron din tayong maexperience na pain para hindi boring. Naiintindihan mo?"
Napatulala ako kay Yana dahil ramdam mo na may bahid ng lungkot ang boses nya. Kahit na seryoso yung mukha nya halata mo na malungkot sya. Fvck!! Ano bang nangyari sa kanya? Bakit sya malungkot?
Ngumiti sya ng mapakla at saka nag salita.
"Kasi Iyah hindi mo malalaman na nag mamahal ka kung hindi ka nasasaktan..."
Pagkatapos nyang sabihin iyon ay tumulo ang luha nya. Putang*na!! Hindi ko na maintindihan!! Bakit sya umiiyak? Kainis!!
Nakatingin lang ang kapatid ko kay Yana at saka ito niyakap.
"Ate wag ka na malungkot kung may problema ka nandito naman si baby Iyah mo e. Pwede mo naman po ako pag labasan ng sama ng loob mo e."
"Kasi ate ayoko na nakikita kang malungkot. Gusto lagi kang masaya yung dating ate Yana na napunta dito. Yung lagi kong ka kwentuhan...."
Tang*na naman!!!! Ano bang problema mo Yana? Sino bang dahilan kung bakit ka naiyak? Masasapak ko talaga sya!!
"H-ha? Ahh talaga... M-masaya ako para sa iyo, sa inyo..."
"H-ha? Ahh talaga... M-masaya ako para sa iyo, sa inyo..."
"H-ha? Ahh talaga... M-masaya ako para sa iyo, sa inyo..."
Shit! Hindi kaya da---
"O? Kaizer anong ginagawa mo dyan?"
Lumingon ako sa likod at nakita ko si Yasi. Napatingin sya sa likod ko kaya napatingin din ako dun.
Shit!! Nakatingin samin parehas si Yana at Iyah.
"O, kuya bakit ka nandyan? Tara po dito kuya Kaizer at ate Yasi."
Lumakad papalapit si Yasi kila Iyah samantalang ako ay naiwang nakatayo dito.
"Kuya?"
"Ahh hindi na napadaan lang ako. Narinig ko kasi na may naiyak e akala ko kung sino."
"Ahhh okey."
Lumipat ang tingin ko kay Yana na nakatingin sa akin. Ang lungkot. Ang lungkot ng mga mata nya.
BINABASA MO ANG
I Love My Bestfriend
Teen FictionSi Yana Dela Videz at Kaizer De Guzman ay matalik na magkaibigan. Simula bata pa lamang sila ay lagi na silang magkasama. Kung asan ang isa, nandon din ang isa! Hindi mo na nga sila mapaghihiwalay! Halos lahat magkasama sila, magclassmate nga sila l...