Chapter 26

233 11 0
                                    


Kaisler's PoV

Damn! Why the hell did I do that?! I am pretty sure she's hurting. I am such a bastard!

"Dude..." Napatingin ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Jake. Kumunot ang noo ko kaya't nag salita ulit sya.

"Can we talk..." Tiningnan nya ang kasama ko, si Aril.

"In private?" Dugtong nya. Tumango ako at nag paalam kay Aril. Tumigil kami sa garden.

"Bakit?"

"Bakit mo ginawa yon?" Nagtakha ako sa tanong nya pero agad ko naman nakuha ang sinasabi nya.

"None of your business."

"Fvck!" Napahawak ako sa labi ko dahil sa suntok nya sa akin. Tang*nang 'to makikipag usap na nga lang mananapak pa.

"None of my business? Fvck you dude! Yana's hurting! Do you know that?! Huh?!"

"Ha?! Of course you 'don't' know. You're too busy with your girlfriend. You didn't even notice Yana!"

"Alam mo bang umiyak sya?! Ha?! Alam mo ba?! Tangna pre sobrang nasaktan si Yana dahil sa ginawa mo. Ni hindi nya kami kinakausap, okupado ang isip nya dahil sayo!"

Fvck! I know she's hurting. Alam ko yun hindi naman ako tanga at hindi ako bulag. Nakita ko yun sa mata nya! Sadyang nagselos lang ako sakanila kaya ko yun nagawa!

"Kaisler tandaan mo 'to, simula ngayon aagawin ko sayo si Yana. No matter what, I will win her!" Pagkasabi nya non ay aalis na sya agad.

"Saglit! Let's have a match. Tomorrow at the gym. 4:00 pm."

"Kol." Pagkasabi nya non ay tuluyan na syang umalis. Tangna talaga.

Umuwi ako sa bahay ng madaming iniisip.

"San ka pupunta? Kakauwi mo palang."

"Saglit lang 'to ma. May kailangan lang akong kausapin."

Pinaandar ko ang sasakyan ko patungo bahay nila Yana. I want to talk to her.

"Ah sir pasok po kayo tatawagin ko lang ho."

"Okey."

Naghintay ako sa sofa nila hanggang sa bumaba ulit si manang.

"Tulog na ho sir, e. Si Yasi na lang ang gising."

"Ahh, pwedeng makausap si Yasi?"

"Bakit?"

"Yasi..."

"Tara sa likod. Ayoko dito."

Pumunta kami sa likod ng bahay nila at nag usap.

"I'm sorry." Panimula ko. I didn't know what to say. Damn!

"Wag ka sakin mag sorry, kay Yana. It's nothing for me pero kay Yana? I don't think so."

"Alam ko. Tulog ba talaga si Yana?"

"Oo. At kung hindi naman, do you think kakausapin ka non? Of course not! Kai you made her cry again! Again and again!" Nagsimula syang umiyak habang nag sasalita sa akin. Ako naman ay napayuko na lang.

"It hurts seeing her in that fucking situation! Alam mo bang palagi syang naiiyak sa gabi dahil sayo? Minsan pa nga ay napapanginipan ka nya at sa panaginip na iyon ay pinapaiyak mo parin sya. Kai masakit sakin na makita na ganon si Yana."

Wala akong masabi. Hindi ko alam ang sasabihin ko. I am totally speechless. Dammit!

"Kai may importante akong sasabihin sayo."

I Love My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon