Matthew's PoV
Hey there! Matthew Dela Videz. Kapatid ni Yana at Yasi.
Ngayon nakain na kami nila mama. Nakakamiss talaga dito sa Pilipinas lalo na dito sa bahay namin. Sobrang nakakamiss.
Nakakamiss yung mga gamit, yung itsura, yung mga kwarto namin, yung mga pictures, sila nanay Minda at kuya Jep na simula pagkabata namin ay nagtatrabaho na dito sa amin. Sila Yasi, Yana at Mama pati narin ang masarap na luto ni mama.
Hindi ko maipagkakaila na masarap talaga ang luto ni mama kaysa sa mga luto doon sa ibang bansa.
Gusto ko tuloy mag stay dito forever hehehe mas maganda dito eh! Pwede naman ako mag transfer hahaha!! Kaso nga lang ayaw ni papa kasi meron daw kaming imemeet pag balik ko. Sino naman kaya? Tsk!
Anyway highway, tapos na kaming kumain at ngayon hinihintay ko na matapos itong si Yana sa pag huhugas para makabalik na kami sa kwarto.
"Hoy! Bilisan mo naman, aba! Pinaghihintay mo ang napaka gwapo mong kapatid tsk!"
"Edi umakyat kana dun! Tsk malapit na ko matapos. Shu~ shu~ dun! Dun ka! Bawal dito ang aso! Dun! Shu~"
Aba't!
"Aish!! Yana!!!!!"
"Oh my! Nag eevolve na sya!! Wahahahaha!!"
"Tsk!"
Hinabol ko sya hanggang sa mapagod kami pareho. At sya naman ay nag patuloy na sa pag huhugas. Nang matapos sya at umakyat na kami sa kwarto nila.
"Yas! Yung cd?"
"Eto na oh!"
"Yun! Ilagay mo na sa loob. Para makanood na tayo."
***
Sa dami ng pinanuod namin ayun knock out na si Yana. Si Yasi kasi kanina pa umalis kasi inaantok na daw sya.
"Ang bigat mo naman!"
Ang bigat pala nitong Yana na 'to. Inihiga ko na sya sa kama at pinatay ko na yung tv at dvd tska ako tumabi sa kanya.
***
Yana's PoV
Nagising ako ng wala na si Matt sa tabi ko. Ang aga naman nya magising. Anong oras na ba?
8:26 palang naman ah. Ang aga aga pa eh!
Mag tatalukbong pa sana ako ng kumot nung ma realize ko na late na ako.
"My gosh!! Syet syet! Major goshness talaga!! Ang shunga shunga ko!!!! Late na late na ako!! Kainis!!!"
Nagmadali na akong bamangon at pumasok na ako kaagad sa banyo! Walanjo! Major late na ako.
Nang matapos ako ay agad din akong nag bihis.
“8:54 na! Bahala na nga!”
Kahit ano naman gawin ko eh late parin naman ako.
Bumaba na ako at nakita ko sila mama na nagkukwentuhan.
"Oh Yana buti naman at gising ka na." Matt.
"Tsk! Ewan ko sayo! Hindi ma man lang ako ginising!"
"Anong hindi? Eh sinisipa mo nga ang kamay ko eh hahahaha."
Ayy hehe sorry naman. Tsk kahit na!
Hindi na lang ako sumagot at nag babye na lang sa kanila tsaka ako umalis.
"Kuya Jep, ako na lang po mag dadala nyang kotse." Sabi ko sabay sakay sa kotse at pinaharurot ito.
Naman kasi! Ikaw kaya ang malate, hindi mo pa kaya papatakbuhin ng pagkabilis bilis yung kotse.
BINABASA MO ANG
I Love My Bestfriend
Teen FictionSi Yana Dela Videz at Kaizer De Guzman ay matalik na magkaibigan. Simula bata pa lamang sila ay lagi na silang magkasama. Kung asan ang isa, nandon din ang isa! Hindi mo na nga sila mapaghihiwalay! Halos lahat magkasama sila, magclassmate nga sila l...