Chapter 39

221 9 0
                                    


Yana's PoV

Tomorrow is the day. The day of Ms and Mr MAc. And its very awkward when me and Kai is always together. Noon hindi naman ako naaawkwardan kaso kasi ngayon. Ang awkward talaga. Lalo na't kasama ko pa ang girlfriend niya na pinsan ko.

Actually okey lang naman sakin na maging sila ulit. Kami naman ni Kai eh hindi na masyadong nagpapansinan. Okey din naman kami ni Aril eh. At sila naman ni Aril ay sobrang sweet sa isa't isa. Wala naman iyon sakin. Tska okey lang naman.

'Okey nga lang ba talaga?' Yan! Ganyan ang buhay ko. Palaging kontra ang puso ko sa isip ko. Nakakainis kasi ang sasabihin ng isip ko okey lang, yung puso ko naman parang sinasabi na hindi okey yun.

"Miss Yana tara na po, photoshoot na ulit!!" Tumayo na ako tska ako pumunta dun sa may bakla. Niretouch niya ako at saka medyo itinulak kaya muntik na ko ma out of balance. Buti na lang may nakasalo sakin.

"Thanks" tiningnan ko yung sumalo sakin at nagulat ako ng si Kai pala iyon. I feel my heart beat is getting faster and faster. Agad akong umayos ng tayo at medyo lumayo sa kanya. Hindi ko kaya na medyo lumapit sa kanya.

Because I'm trying my best here not to fall deeper on him! I am trying to move on. Yes I'm moving on with the help of Jake.

Tinalikuran ko na siya atsaka ako naglakad papunta sa pagpipicturan namin. Sumunod naman siya at nag umpisa na kaming mag photoshoot. Ilalabas ito bukas o mamaya na agad at ibabalandra sa kung saang sulok ng school.

(A/N: Hi!! Singit ko lang hahah. Kaisler and Yana sa taas po!! Hihihi muah love love!!)

Hindi ko siya gaanong tinitingnan sa mata kasi sobra akong naiilang! Leche! Kinakabahan ako at minsan nararamdaman ko na nainit yung pisngi ko!

"Yana! Tingnan mo si Kaisler! Last two naman na eh. Then pwede na kayong umuwi tapos yung ibang contestant na ang kukuhaan ng picture." Tumango tango ako pero kinakabahan ako!!

"Ang pose niyo ay ganito." Igiya niya kami sa kung paano kami magpopose. Magkaharapan kami ni Kai at nakatingin sa isa't isa. Gustong gusto kong iiwas ang tingin ko pero hindi ko magawa. Parang nanghihipnotismo ang mga mata ni Kai at nabiktima ako noon.

"Yan perfect! Now, Kaisler hold her hands." Nagulat ako dahil hindi ko aakalaing ipaghahawak kamay kami. Otomatikong bumilis ang tibok ng puso ko at may kung anong insekto ang nagliliparan sa tiyan ko. Nakaramdam din ako ng kuryente na dumaloy sa katawan ko nang hawakan ni Kai ang kamay ko. At ang ibang contestant naman ay naghiyawan.

Kinuhaan kami ng litrato at pagkatapos ay last shot na. Pilit kong inaagaw ang kamay ko kay Kaisler pero hindi niya ito binibitawan. Mahigpit ang kapit niya rito at ayaw niya itong bitawan.

"Just let me hold your hands, please...." He whispered. At sa bulong niyang iyon ay sobra akong kinilabutan. Parang nakikiliti ang tenga ko nang bumulong siya.

Wala na akong nagawa at hinayaan ko na lamang siyang hawakan ang kamay ko. Tutal gusto ko rin naman 'to. Just for this day lang. Just for this Photoshoot.

'Kahit ngayon lang.'

"Okey last one na! Ipagdikit nyo ang mga noo nyo pero haharap kayo sa amin ha? Syempre with matching smile dapat!" Gaya nga ng sinabi ni Nianne, photographer namin, ay ginawa naman namin iyon ni Kai. Nanginginig ang kamay ko habang palapit ang mga mukha namin. Ang daming tumatakbo sa isip ko na baka pag nagkaharapan kami ay may kung anong mangyari. At ayoko noon! Iwinaksi ko ang ulo ng bahagya para mawala ang nasa isip ko.

I Love My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon