Chapter 33

255 7 0
                                    

Pauline's PoV

Habang nasa byahe ay tahimik lang ako. Hindi ko kasi alam kung san ako mag uumpisa. Wala akong maisip na topic leche!

"Bakit umuwi ka agad? Diba kasama mo friends mo?"

"Ahh oo kasama ko nga. Wala lang ang sama kasi ng pakiramdam ko. Ikaw bakit ang bilis mo?"

"Eh wala yung pinuntahan ko eh. Kaya yon dumiretso ako sa inyo. Akala ko naman kasi nandon ka na hahaha."

"Sorry sa istorbo ha? Nga pala dyan na lang tayo sa may fast food mag usap." Itinuro ko ang nadaanan naming fast food kaya't agad naman niyang iniliko at itinigil sasakyan.

Bumaba na ako agad at dumiretso sa loob ng mcdo.

"Anong gusto mo?"

"Any. Hanap lang ako ng upuan natin." Sabi ko tumango naman siya kaya't naghanap na ako ng table namin.

Nung makahanap ako ay umupo na ako at inilabas ang cellphone. May message.

Message Receive
From:Bench

  I'm sorry. Usap tayo please.

6:24

Si Renzel. Haaaaay ang hirap naman ng sitwasyon ko. Gigil!

"Eto na yung pagkain mo." Napatingin ako sa nagsalita, si Adrian.

"Thanks." Sagot ko tapos ay nginitian ko siya. Ganon din naman ang ginawa nya at nagsimula na kaming kumain.

Hindi ko alam kung paano ko ioopen ang topic na gusto ko talagang pag-usapan namin. Bumuntong hininga ako at huminto sa pagkain. Tiningnan ko sya pero nagulat ako nung nakatingin na sya sa akin.

"Spill it. Anong pag-uusapan natin." Tanong nya. Actually hindi ko panaman siya totally kilala. Kasi nung isang araw lang naman kami nagkakilala at kahapon ko lang nalaman na siya pala ang sinasabi sakin ni papa.

"Didiretsohin na kita ha. Pwede bang tulungan mo akong h'wag ituloy ang kasal?" Diretsong tanong ko. Halata sa mukha niya na nagulat siya kaya hindi agad siya nakasagot.

Tumawa siya tska sumagot, "Alam mo bang iyan din ang gusto kong sabihin sayo? Kaya ako pumayag na makipag-usap kasi sasabihin ko rin yan sayo." Hindi na rin ako nagulat dahil pakiramdam ko naman ay may mahal siyang iba. Tama lang talaga na nakipag-usap ako sa kanya.

"So, tutulungan mo nga ako?" Tumango siya kaya lumawak ang ngiti ko.

"Nga pala bakit ayaw mong magpakasal sakin?" Tanong niya.

"Sabihin na lang nating ayoko lang dahil may mahal akong iba. Ikaw, bakit ayaw mo? Pangit ba ako?" Natatawang tanong ko.

"Same reason. And yes! Pangit ka. Hindi kita type. Hahahahaha"

Ngumiwi ako sa sagot niya. Aba naman ang kapal ng mukha ng lalaking ito.

"Kidding." Sagot niya sabay halakhak. Napatulala ako sa kanya. Pogi pala siya. Lalo na pagnakangiti o natawa.

"Oh anyare sa'yo? Naiinlove ka na saakin?"

Sinamaan ko siya ng tingin at ibinaling ang tingin sa cellphone ko na nagriring. Si Renzel. Tiningnan ko si Adrian at nag sign ako ng h'wag maingay. Tumango namn siya kaya napangiti ako tapos ay sinagot ko na ang tawag.

"Ne?"

[Mianhae...] Natahimik ako. Gosh! How can't I forgive him if I love him so much.

"Sorry din. Hope you forgive me."

I Love My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon