Epilogue
Nung una ko palang syang nakita alam ko na sa sarili ko na, sya yung tipo ng taong mamahalin ko habang buhay.
I am willing to marry her. I am willing to be her husband. I'm wiiling to stay by her side for the rest of my life. Iyong aalagaan ko sya at mamahalin ng sobra sobra. Happy isn't enough to decribe what I'm feeling right now. Halo halong emosyon ang meron ako ngayon.
Kaba, saya, excitement at lungkot. I'm freaking happy because this is it! Magiging asawa ko na sya officially.
Tiningnan ko ang mga mata ng taong pakakasalan ko. Nakangisi sya at nakatitig lang sakin habang kasama ang mama at papa nya. She stared at me the whole time na palapit sya sakin. Nakita ko ang pagtaas at pagbaba ng balikat nya senyales na umiiyak sya.
"Congrats dude! Take care of our princess!" Untag ng kuya nyang si Gino. Ngumisi ako at tinanguan sya. Tinapik naman nya ang balikat ko tsaka umalis. Lumapit pa ang dalawa nyang kuya at iba pang mga kaibigan para i-congratulate ako. Panay naman ang ngisi ko at pagpapasalamat ng hindi inaalis ang tingin sa pinakamagandang babaeng pakakasalan at makakasama ko habang buhay. Pinalis ko ang luhang tumulo sa pisngi ko. Damn it! Para akong bading!
Nang tuluyan ng makalapit ay dinaluhan ko si Yana para alalayan sa pagtayo sa kanyang wheelchair. "You look so damn gorgeous." Bulong ko sa tainga nya. Ngumiwi sya at inirapan ako.
"G-gorgeous pa ako sa lagay na 'to? Gayung sobrang payat k-ko na at sobrang p-putla. Braso mo na nga lang ang u-umaalalay sakin sa pagtayo ko rito sa tabi mo." Mahina nyang sabi. Agad kinurot ang puso ko.
"Bakit? Totoo namang maganda ka eh. Kahit ano pang itsura mo, maganda ka pa rin sa paningin ko. Ikaw lang ang pinakamagandang babae sa paningin ko." Sabi ko sabay halik sa pisngi nya. Hinawakan ko ang kamay nya at pinagsalikop ng nakaupo na kami.
Ang laki ng pinayat nya. Numinipis na rin ang buhok nya dahil sa pagkalagas nito. Muling kinurot ang puso ko. Hindi ko kayang makita syang nahihirapan. Kung pwede lang na ako na lang ang magkasakit ay tatanggapin ko.
Ilang araw makalipas ang pagpopropose ko ay sinugod sa ospital si Yana. Nawalan sya ng malay. Paulit ulit na nangyari yon. Hindi ko alam kung bakit pero biglang pumasok sa utak ko iyong sinabi ni Yasi sakin noon.
"May history kami ng cancer. Hopefully mama didn't get that pero pwedeng maipasa ito sa kahit na kaninong blood related namin. I'm not saying na kami yung makakuha pero may posibilidad na mangyari yon."
Ilang araw pang naulit ang pagkahimatay ni Yana. Hanggang sa na confined sya sa ospital. Ilang buwan pa ang lumipas na nakaconfined lang sya sa ospital. Nakita ko ang unti unting pagbabago ni Yana. She lost so much weight. Sobrang payat nya na. Nahihirapan na din syang tumayo ng mag isa at nagkakaroon na din sya ng mga pasa. The doctor said, she has a leukemia. Doon ay gumuho ang mundo ko. Bakit sya pa? Bakit yung taong mahal ko pa? Bakit? Umiyak ang mama nya pati si Yasi. Maging ako ay umiyak na din. Bakit si Yana pa?
Nanatili ako sa tabi nya habang nandon sya sa ospital. Inaalagaan ko sya. Naging bahay ko ang hospital room ni Yana. Walang araw na wala ako sa tabi nya. Umuuwi lang ako sa bahay para kumuha ng damit tapos babalik na ulit sa ospital.
Nung minsan pa nga ay narinig ko ang paghikbi ni Yana nung nakabalik na ako sa ospital. She's crying. Parang unti unting dinudurog ang puso ko dahil sa mga hikbi nya.
"What do you want, miss?" Nakangisi kong tanong. Tumitig sya sakin tsaka nya ako nginitian. Those smiles... damn!
"K-kahit ano." Mahina nyang sabi. Tumango ako tsaka kinuha ang cellphone ko. Dinial ko ang numero ni Jiro at sinabing bumili ng pagkain pag punta nila rito. Napalingon ako kay Yana na nakatitig sakin. Ngumisi ako saka lumapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
I Love My Bestfriend
Genç KurguSi Yana Dela Videz at Kaizer De Guzman ay matalik na magkaibigan. Simula bata pa lamang sila ay lagi na silang magkasama. Kung asan ang isa, nandon din ang isa! Hindi mo na nga sila mapaghihiwalay! Halos lahat magkasama sila, magclassmate nga sila l...