Chapter 45.5

219 8 1
                                    

Chapter 45.5


May mga bagay o tao na kailanman ay hindi mapapasayo. Hindi mo maangkin. Hindi mo makukuha.

Tumingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan bago ko ibalik ang tingin ko sa kalsada. Yung mas mabuti na hanggang doon na lang kayo kaysa lalo kayong magkasira. Hindi pwedeng patuloy tayong umasa sa pangakong binibitiwan ng mga tao sa paligid natin. Kung dumating man tayo sa puntong makikita natin sila na masaya na, we should be happy too and also moved on. Hindi pwedeng manatili ang sakit at galit sa puso natin. Kailangang magpatawad. Kailangang tanggapin ang katotohanan.

Tumunog ang cellphone pero hinayaan ko lang 'yon. Paniguradong magagalit iyon sa akin. Papunta ako sa isang meeting sa isang kilalang company. Ako ang pinadala sa company namin para attendan itong meeting na to kahit kasagsagan ng ulan. Dapat ay ipacancel na lang nila 'yong meeting.

Tumunog pa ulit ang cellphone ko pero hindi ko parin yun pinansin. I need to fucking concentrate. Nagda-drive ako at baka pagsinagot ko ang tawag ay makabangga o mabangga ako.

I miss them. I miss my friends! Tsk concentrate Yana. Wag mo muna silang isipin. Pinilig ko ang ulo ko para mawala iyong naaalala ko sa kanila. On how they hurt me. Binilisan ko ang pagpapatakbo ko sa sasakyan para marating ko kaagad ang company na iyon.

Nang mainis ako sa pagtunog ng cellphone ko ay kinuha ko yun at sinagot ang tawag.

"What?!" Bulyaw ko. Saglit na natahimik sa kabilang linya kaya lalo akong nainis. "Ano bang problema mo? Nang iinis ka ba?"

Humalakhak sya at sumagot, "chill, miss. Asan ka na? Inaantay ka na dito sa board. Kanina pa sila nag aantay dito. Get your ass here!" Sabay pinatay ang tawag. Hinagis ko sa dash board ang phone ko at pinaharurot pa ang sasakyan.

Inayos ko ang sarili ko ng makarating ako sa pupuntahan ko. Naka white dress ako na above the knee ang haba at wedge naman sa paa. Pinatay ko ang makina ng sasakyan ko bago ko kinuha ang cellphone ko sa dash board.

"Shit! I'm damn late!" Minadali ko ang pag pasok sa elevator at pinindot ang 5th floor. Bago ito tuluyang sumara ay may kamay na umipit dito. Tumungo ako dahil mukha akong basang sisiw dito sa elevator.

"You should bring an umbrella and jacket next time." Umangat ang tingin ko sa lalaking kasabay ko at nagulat ng makitang si Kai iyon. Umigting ang panga nya at tinaliman ako ng tingin. Unti unti syang lumapit sakin samantalang ako ay paatras ng paatras hanggang sa sagad na ako sa metal na dingding ng elevator. Dammit!

Pinatong nya sa balikat ko ang coat nya at lumabas ng marating namin pareho ang 3rd floor. Hinabol ko sya ng tingin hanggang sa magsara ang pinto ng elevator. Nag patuloy ito at muling tumunog nung makarating ako sa 5th floor. Dali dali akong tumakbo at nagtungo sa tinurong room sa akin.

"Kanina ka pa nila iniintay." Bungad ni Michael pagkadating ko sa may pintuan. Umirap ako at binuksan ang pinto. "Nga pala, wala dyan yung may-ari ng company. Bumaba kanina eh." Tumango lang ako at tuluyan ng pumasok sa loob.

"I'm sorry, natraffic ako." Paghingi ko ng paumanhin. Ngumiti sila ng tipid at binalik ang tingin sa pinto na bumukas. Umayos ako ng upo at sinilent ko ang phone ko bago ko ito ilagay sa purse ko.

"Good morning. Is the representative of Dela Videz company's here?" Nag angat ako ng tingin para sumagot. "Yes. I'm sorry nalate ako." Tumango 'yong may ari ata ng company at nagtuloy sa upuan nya. Nang ibaba nya ang folder na binabasa ay nalaglag ang panga ko. Shit!

Tumama ang tingin nya saakin at pareho kaming nagulat. Oh my God! Iniwas ko ang tingin ko at binaling sa katapat na upuan. Nginitian ako nung lalaki sa tapat ko kaya ngumiti din ako pabalik. Sa tingin ko ay kaedad ko lang sya.

I Love My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon