Yana's PoV
"Yes way dahil bestfriend mo at manliligaw mo ang nag mamatch! And I think ikaw ang dahilan ng match na to! Kaya kung a---"
Hindi ko na pinatapos magsalita si Nestlyn at agad ko itong ibinaba. Nag madali akong pumunta sa court pagpasok ko ay nakatingin sakin ang mga tao.
Hinanap ko na lang sila Aliyah, nung makita ko sila ay pumunta na ako doon at umupo.
"Anong sinasabi mo Nestlyn?"
"Watch them."
Tumingin ako sa dalawa na ngayon ay nasaakin ang tingin. Nag usap ang dalawa pero hindi iyon ang nakapansin ng atensyon ko kundi,
"Okeeey so let's start! This match is dedicated for Yana Dela Videz. Her Bestfriend vs her Manliligaw. Very interesting right? So let's start the game!!!!"
Napatulala ako. Naguguluhan. Kinakabahan. Bakit sakin? Ano ba 'to?
Hindi ko na namalayan na nag umpisa na pala sila sa laro. At ang score ay 15-10. Lima lang ang lamang. Alam ko naman sa sarili ko na magaling si Jake at Kai kaya pag laban sa labas ng school ay mag kakateam naman iyang mga iyan. Pero ngayon kasi ay iba.
Kinakabahan ako kung sino ang mananalo.
"3 points for Jake Lee!!!!! Bang!!" Napatingin ako sa kanila.
Sila Kai ay problemado dahil lamang na lamang sila Jake. Tsk! Mukhang nag aaway pa sila doon.
"BOYS ANO BA?! AYUSAN NYO NAMAN!!"
Napatingin ako kay Sonia dahil s sigaw nya. Napansin nya rin ata kaya sya sumigaw. Lumipas pa ang ilang oras at ang score ay 57-38. Takte ang laki ng lamang nila Jake! Dammit I can't take it! Nag time out kaya nag pahinga sila. Pinagsasabihan nila si Kai habang sya naman ay nakayuko lang. Samantalang sila Jake naman ay busy sa pag uusap about sa gagawin nila mamaya. Third quarter na pag tapos ng time out nila.
Napatalon ako sa gulat ng magvibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko ito.
Si Jake ang tumatawag. Tiningnan ko sya at nakayingin sya sakin habang nakangiti. Sinagot ko ang tawag niya.
"Hi miss."
"Tssss umayos ka nga!"
"Hahaha okey! Yana may tatanong ako sayo."
"Ano?"
"Pag ba nanalo ako papayagan mo na akong manligaw ng totohanan sayo?"
Hindi agad ako nakasagot sa tanong nya. Gahd! Hindi ko alam kung kailangan ko ba talagang sagutin yon o hindi eh!
"Okey sige wag mo na lang pansinin yon. Ahm sino na lang ang gusto kong manalo samin? Ako o... Si Kaisler?"
Nakatitig lang sya sa mata ko at ganon din naman ako sa kanya. Kung yung kanina nga eh hindi ko masagot ito pa kaya.
"Jake..."
"Yeah yeah alam ko na." Iniwas nya yung tingin nya sa akin at nag salita ulit.
"Sige na ibaba ko na mag uumpisa na ang game namin." Sabi nya habang hindi padin natingin sakin.
"Okey, goodluck! Galingan mo para manalo kayo. Bye!" Tapos ay ibinaba ko na. Napatingin sya sa akin pero ako naman yung umiwas ng tingin sa kanya letche kahiya!
Bigla ulit tumunog ang cellphone ko at iba na ang tumatawag. Si... Kai.
"Hello?"
"Hi? Ahm galit ka parin ba sakin? Ano sorry Yana ha?"
BINABASA MO ANG
I Love My Bestfriend
Genç KurguSi Yana Dela Videz at Kaizer De Guzman ay matalik na magkaibigan. Simula bata pa lamang sila ay lagi na silang magkasama. Kung asan ang isa, nandon din ang isa! Hindi mo na nga sila mapaghihiwalay! Halos lahat magkasama sila, magclassmate nga sila l...