Chapter 29

220 10 1
                                    

Sonia's PoV

Maaga akong nagising dahil kailangan. Ihahatid pa namin si papa sa airport. Dahil kailangan nya ng umalis. Ngayon din ang laban namin kaya naman ay baka medyo malate kami ng kaunti.

Anyway ako nga pala si Sonia Lux. Kapatid ko si Sabrina.

Nasa kalagitnaan kami ng pag kain ng mag salita si Papa.

"May game kayo mamaya, hindi ba?"

"Opo."

"Pasensya na mga anak ha? Hindi nanaman makakanuod si papa nyo."

"Okey lang po papa."

Minsan lang dito si papa kasi nasa ibang bansa ang trabaho nya. Although meron din syang trabaho rito eh ang nag mamanage kasi non ay ang pinsan kong lalaki. Si Deichie. Meron syang lahing hapon hehe.

"Hayaan nyo sa susunod manunuod ako."

"Hahahaha si Papa talaga."

"Oo nga. Iche cheer ko pa kayong dalawa!"

"Hahahaha sabi mo yan pa ha?"

"Oo. Nga pala diba meron kayong kaibigan na Dela Videz?"

"Ahh opo pa. Bakit po?"

"Anong pangalan?"

"Yana tsaka Yasi Dela Videz po. Why pa?"

"May kapatid ba iyon?"

Napaisip ako sa sinabi ni papa. Wala naman sila saming nababanggit kasi hindi naman kami nag tatanong hahahaha. Pero meron nga kaya silang kapatid.

"Ewan lang pa. Pero itatanong na rin namin mamaya. Bakit pala papa?"

"Sige tanong nyo kung kaano ano niya si Justin Dela Videz. Wala lang nabanggit kasi sakin nung isa kong kaibigan eh."

"Ahh sige po pa."

Matapos namin kumain ay nag ayos na kaming lahat. Tapos ay pumunta na kami ng airport.

Ilang minuto na lang ay papasok na si papa sa loob pero walang nag sasalita sa amin.

"Papasok na ako." Panimula ni papa. Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko kaya na makitang umalis si papa. Masakit kasi eh. Yung mawawalay nanaman sya sa amin. Masakit yung ganon.

"Palagi kayong mag iingat. Wala ako dito para bantayan kayo kaya mag iingat kayo ha? Lalo na kayong dalawa, ingatan ang sarili ha? Hali nga kayong dalawa rito. Payakap ako."

Agad na kami lumapit ni Sab kay papa para yumapos. Atsa pag yapos kong iyon ay agad ng tumulo ang luha ko.

"Matagal ko nanaman kayong hindi mayayakao ng ganito kahigpit. Mamimiss ko kayo.. Palaging mag iingat ha? Alagan ang sarili ha? Aalis na si papa. Mamimiss kayo ni Papa." Tapos ay hinalikan nya kami sa ulo bago sya humiwalay sa yakap naming tatlo.

Ngumiti samin si papa bago sya mag umpisang maglakad papasok sa loob.

"PAPA MAMIMISS KA NAMIN!" humahagulgol na sigaw ko kay papa. Tumigil sya at humarap sa amin.

"AKO DIN SON! MAMIMISS KO KAYO! GALINGAN NYO MAMAYA HA?! DAPAT MANALO KAYO!"

Tumango tango kami pareho ni Sab.

Naramdaman ko na may humagod sa likod ko kaya't sya ang niyakap ko.

"Sab..."

"Okey lang yan. Babalik naman si papa. Tska wag ka na nga umiyak! Kailangan nating manalo mamaya kasi sabi ni papa satin galingan natin."

Ngumiti ako sa kanya tsaka ko sya niyakap ulit.

****

Aliyah's PoV

I Love My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon