"I will spend my time with him. I will be with him all day. Make memories and all. Para pagdating nung araw na aalis na siya, I have memories na nakasama ko siya at na-spend ko sa kanya yung time ko."
Ngumiti ako ng mapait at nagpatuloy, "and sadly, hindi ko nagawa yun kasi nag away kami..." I smiled bitterly then turn my back at them. Iniwas ko din ang tingin ko kay Kai nung nakita ko ang mga mata nyang seryoso ang tingin sa akin.
"Ughhhhh!!!"
"Unnie!!!" -----> Ate!!!
"Okey, mukhang may pinanghuhugutan si miss Yana. Next is, Mr Kaisler De Guzman." Lumapit si Kai at kinuha ang mic dun sa emcee.
"Uulitin ko pa ba ang tanong na nabunot ng partner mo o hindi na?" Tanong ng emcee. Umiling siya at itinapat ang mic sa bibig.
"Like what Yana said, I will spend my time with her. I'll do everything to make her happy, to make memories with her, and to make her feel loved. I will waste my time for you. I am willing to waste it to be with you all day."
Napapikit ako ng tuluyan at nagbuntong hininga ng paulit ulit. Bakit ba feeling ko maiiyak ako? Tssss I'm such a weakling.
"Then when that time comes, hindi na ako magsisisi kasi nagawa ko yung alam kong tama. Alam kong napasaya ko sya sa mga oras na yun at alam kong naramdaman nya yung pagmamahal ko sa kanya." After that he turn his back.
Nagpalakpakan ang mga audience meron din namang nahiyaw pa lalo na yung humiyaw kanina.
Yumuko ako at iniiwasan na mapatingin sa mata ni Kai. Hindi ko kasi kaya. Hindi ko kayang makita nya na maiiyak ako at nanghihina ako, hindi ko kaya.
"Yana..." Tawag nya sakin. "Oh?" Sagot ko pero nanatiling nakayuko ang ulo ko.
"Look at me," umiling ako at nanatili sa ganong posisyon. "Please.." Nagbuga ako ng hangin dahil sa paninikip ng dibdib ko. Nasasaktan ako.
Tumunghay ako at tiningnan siya na may ngiti sa labi. Pekeng ngiti sa labi. Umiling siya at tinitigan ako.
***
1st place. Okey na din atleast nagkaplace pa.
Anyway, nandito kami sa bahay nila Kai. Nagce-celebrate kami. No, scratch that, sila lang pala. Nagsisigawan, hiyawan, sayawan, nakain, mga nag-iinuman at marami pang iba. Habang ako eto, tengga.
Paano naman kasi, aalis na si Kai mamaya!! Maiiwan na ako. Iiwan nya na ako. At masakit yun! Parang... Parang hindi ko kaya.
"Oh bakit ang lungkot mo?" Napatingin ako sa taong tumabi sakin, si Matthew. Nginitian ko siya ng tipid at umiling,"Malungkot ba ako?"
"Oo." Humalakhak ako ng humalakhak kahit feeling ko maiiyak na ako. Bakit kasi kailangan pang umalis eh! Nagulat na lang ako nung niyakap ako ni Matt kasabay non ang paglandas ng luha ko sa aking pisngi.
"Bakit ba kasi ang hilig hilig mong magpanggap? Magpanggap na okey ka lang kahit hindi naman."
Napailing ako at niyakap siya pabalik at nanatiling tahimik.
Nung humiwalay siya sa yakap ay sumandal ako sa balikat nya. Tahimik lang kami habang nasa ganong posisyon nung magsalita sya.
"Alam mo Yana, bilib ako sayo. Alam mo kung bakit?" Napatingin ako sakanya atsaka sumagot, "Bakit naman?"
"Ang galing galing mo kasing magpanggap. Kahit nasasaktan ka na, nakukuha mo pang tingnan yung dahilan kung bakit nararamdaman mo yun. Kahit alam mong mahihirapan ka, okey lang sayo. Alam mo bang ikaw lang ang kilala kong cool na babae. Ang tapang tapang sa labas pero hindi naman talaga. Ang astig astig, parang gangster lang. Ang taray taray pero mahina naman talaga 'to!" Tapos tinuro nya yung sa may chest part nya. Napatawa ako at napailing. Ang galing ko pala talaga.
BINABASA MO ANG
I Love My Bestfriend
Teen FictionSi Yana Dela Videz at Kaizer De Guzman ay matalik na magkaibigan. Simula bata pa lamang sila ay lagi na silang magkasama. Kung asan ang isa, nandon din ang isa! Hindi mo na nga sila mapaghihiwalay! Halos lahat magkasama sila, magclassmate nga sila l...