Chapter 38

197 8 0
                                    


Third person's PoV

Napatahimik si Jake sa gusto ni Yana. Gusto niya na tulungan ito ngunit mayroong bumabagabag sa kanya.

'Sa paanong paraan kita tutulungan kung alam kong mahal mo pa siya, Yana?'

Tumango at ngumiti na lamang ang binata tska nito niyapos ang dalawa. Lingid sa kaalaman ng dalawa ay mayroong nanunuod sa kanila.

"Bitch." Matutulis na tingin ang ibinigay nito sa dalaga bago ito tuluyang umalis.

Sina Yana at Jake naman ay bumalik sa kanilang classroom ng magkahawak ang kamay. Gulat ang mga kamag aral nito dahil wala namang nababalita sa kanilang campus o sa kanilang school website na may namamagitan sa dalawa. Alam lamang ng mga ito na nanliligaw si Jake kay Yana.

Samantala, mababakas ang pagkalungot sa mga mata ni Kaisler

"Ma! Kayo na po ba?" Takhang tanong ni Camille. Nag iwas naman ng tingin si Yana at hindi malaman ang isasagot sa anak anakan nito.

"Oo Camille kami na ng mama mo. So that means papa mo na ako." Lumungkot ang mukha ni Camille bago ito sumagot.

"May papa na po ako. Daddy na lang itatawag ko sa'yo Daddy Jake." Ngumiti ito ng tipid bago tinalikuran ang dalawa. Lumapit ito sa itinuturing na papa tska ito tumabi kay Kaisler.

"Okey lang yan papa. Alam ko naman maha– ma aano, m-makakaya mo yan papa hehehe" ngumiti ng malungkot si Kaisler bago tinap ang ulo nito.

"Sana nga. Sana talaga." Umalis ito ng classroom nila at nagtungo sa rooftop. Hindi nito alam na mayroong nakasunod sa kanya.

"Hi. Need some help?" Napalingon ang binata sa nagsalita. Kumunot ang noo nito bago nagsalita, "no thanks."

Tumawa ang dalaga sa ipinakita nitong pang iisnob sa kanya. Napalingon sa kanya ang binata at makikita rito ang pagkairita.

"Ano bang kailangan mo?" Bakas ang pagkairita sa boses ng binata habang tinatanong niya ang dalaga.

"Nothing. Baka ikaw ang may kailangan sakin." Ngumiti ito ng nakakaloko tska nagsalita ulit.

"Kilala kita Kaisler. Galit sayo ang bestfriend mo at nagpapanggap parin kayo ni Aril, right?" Ngumisi ito na lalong ikinainis ng binata. "Sino ka ba?"

"You'll know. Soon." Lumapit ito sa binata tska ito hinalikan at sa hindi inaasahang pagkakataon ay naroroon si Yana na nanunuod sa dalawa. Sa isip ng dalaga ay nagwagi siya. Samantalang si Yana naman ay halos madurog ang puso sa sakit ng kanyang nararamdaman.

Bago umalis ang dalaga ay may sinabi pa ito kay Kaisler. "I've been watching you all this time. Lahat ng mga ginagawa mo, niyo ng barkada mo at niyo ni Yana. Anyway see you again." Humalik pa ito sa pisngi ni Kaisler bago tuluyang umalis.

Dali dali namang nagtago si Yana para hindi siya makita ng babae. Tinakpan nito bibig niya upang hindi makagawa ng kahit na anong hikbi na kakawala sa kanyang bibig. Si Kaisler naman ay gulat parin sa nangyari. Kinilabutan ito ng maalala ang sinabi ng dalaga.

"I've been watching you all this time." Paulit ulit na nag peplay ito sa kanyang tenga. Nang makabawi ay nagsisigaw sa inis si Kaisler dahil hindi man lamang niya naitulak o napigilan ang babae.

"Dammit! Dammit! Dammit!" Inis na sabi nito. Paulit ulit na pinupunasan ang kanyang labi na para bang sa paraan na iyon ay mawawala ang halik sa kanya ng babae.

I Love My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon