Pau's PoV
Pinauna na kami ni Yana na lumabas ng gym ayaw man namin syang iwan dun pero baka kasi magwala yun dun e.
Eto ang dahilan kung bakit. Bakit ayaw namin syang papuntahin ng gym.
Im very sure na nasasaktan na sya ngayon. Sobra na pala syang nasasaktan.
Ang tagal nya sa loob kaya pumasok na ako ulit sa gym pagkakita ko sa kanya may nakayakap na lalaki kay Yana. Oo kay Yana nga at dun sya naka ub-ob sa dibdib ng lalaki at naiyak. Haaist. Sana talaga hindi na kami pumunta dito.
Nilapitan ko sila kaya agad na humiwalay yung lalaki sa kanya naka mask ito na itim kaya mata lang ang makikita mo sa kanya.
Ibinigay na sa akin si Yana at saka tumalikod.
"Yana, okey ka lang? Sabi mo mauna na kami susunod ka e ang tagal tagal mo dito e. Hindi mo naman sinabi na gusto mo na palang umalis dito. Tsk ang tigas talaga ng ulo mo kahit kailan." Sabi ko sa kanya. Napatingin ako sa lalaking nakatilikod sa amin habang nakapasok ang parehong kamay sa dalawang bulsa sa harapan.
"Nga pala, salamat ha!" Sabi ko sa kanya. Hindi ito lumingon pero nag salita sya...
"Sa susunod pag alam mong masasaktan ka sa makikita mo, pumikit ka." Sabi nito at nag lakad na pero tumigil din agad.
"Sana maging maayos ka Yana... Sige una na ko." Saka sya umalis ng tuluyan sa harapan namin. Tiningnan ko si Yana. Nakatingin lang sya sa lalaki.
"Ja-jak--" sabi ni Yana at biglang nawalan ng malay.
Fvck!!!
"Aliyah!!!!" Tawag ko kay Aliyah. Nang makita nya si Yana ay tumakbo sya samin papalapit.
"Ano nangyari?" Tanong nya sa akin.
"Bigla na lang syang nahimatay e. Wait lang tatawagin ko lang sila Renzel." Sabi ko at timayo na agad at pinuntahan sila Renzel sa kabilang banda ng court na seryosong nag uusap usap.
"Guys... Si ano... Si Yana... Ano... Wait lang nga napapagod ako." Sabi ko ay huminga muna ng huminga.
"Hey Pau, are you okey?" Tanong Renzel. Yiiee concern hahaha charot.
"Yes. Okey. Yun nga si Yana nahimatay. Kaya ako nandito dahil walang magdadala sa kanya sa clinic." Sabi ko. Agad naman silang tumayo at tumakbo kila Aliyah. Ako naman ay naglakad na lang dahil pagod pa ako galing sa pagtakbo dito sa kanila.
"Are you sure you're okey?" Alalang tanong ni Renzel.
"Yes. Napagod lang ako sa pagtakbo hehe." Sagot ko. Tinitigan nya muna ako bago sya mag salita ulit.
"Tsk. Sa susunod wag ka na magpakapagod. Nakakainis ka!" Seryosong sabi nya sa akin. Tss inaano ko ba to?
"E bakit ka naiinis? Inaano kita?" Inis din na sagot ko sa kanya. Bwisit akal--. "Ayoko kasi na napapagod ka e." Seryoso paring sagot nya sa akin.
My god!! Yung malalanding hormones ko nag gagalawan na naman. Enebe!!
Hindi ko tuloy alam kung ano ang isasagot ko. Naman kashi e! Enebe! Charot.
"Pau..." Sabi nya sabay ay pumunta sya sa harapan ko at umupo. Eh?
"Bakit ka naka ganyan?" Takang tanong ko. "Piggy back? You should ride on my back, you know I don't want you to be tired." Sagot nya sa akin.
So sumakay ako sa likod nya kahit nakakahiya. Psh. Nahihiya talaga ako.
"Tsh don't be shy." Eh? Mind reader? "I am not a mind reader!" Eh? "Yeah, yeah. Wala naman akong sinasabi e." Sagot ko naman.
BINABASA MO ANG
I Love My Bestfriend
Teen FictionSi Yana Dela Videz at Kaizer De Guzman ay matalik na magkaibigan. Simula bata pa lamang sila ay lagi na silang magkasama. Kung asan ang isa, nandon din ang isa! Hindi mo na nga sila mapaghihiwalay! Halos lahat magkasama sila, magclassmate nga sila l...