After 5 years....
Yana's PoV
Nagising ako ng madaling araw dahil sa pagkauhaw. Kaya nagtungo ako sa kusina para kumuha ng tubig nung may madinig akong boses.
"Yeah, were fine. How bout you?" Boses ng lalaki. Kung hindi ako nagkakamali si kuya Justin 'to.
"Ahh. Sinabi nya yun? Ano namang sinabi mo?... Ahahahaha.... Pangit ka kaya!... Opo.... Hahaha ikaw din. I love you Panget...." Pagharap nya ay nagulat sya nung makita nya ako.
Nginisihan ko sya ng nakakaloko bago tinanong. "Sino yun, ha?! Ikaw ah! Girlfriend mo ba yun kuya? Yiieee!!!" Nilapitan ko sya at sinundot sa tagiliran. Tumawa naman sya at kinurot ang pisngi ko.
"Aw!" Angal ko. Tumawa lang ulit siya tska nya ako iniwan sa kusina. Ang sakit! Kumuha na lang ako ng tubig at bumalik uli sa kwarto para matulog.
***
Bumangon ako at ginulo-gulo ang buhok ko. Ugh!!! Hindi ako makatulog! Nakailang ikot na ko sa kama ko pero wala parin. Tsk! Dapat pala di na lang ako nagising kanina! Pumunta na lang ako sa banyo at ginawa ang daily routine ko.
Paglabas ko dumiretso ako sa kama ko at naupo doon. Binuksan ko ang drawer ko at kinuha doon ang sticky notes ko. Marami na nga akong ganito eh. Ikaw ba naman, gumamit ng ganito ng five years sinong hindi magkakaroon ng maraming sticky notes. Actually madami na nga ding sticy notes sa ding ding ko mehehe.
'Five years...' Pinilas ko ang isang page na sinulatan ko at dinikit sa dingding ko. Five years na pala. Ito pala yung exact date nung Ms & Mr. MAc namin noon. Noon, kasi, five years na ang nakakalipas. May kanya kanya na kaming trabaho. Mga fresh pa kumbaga sa work hahahaha.
'Five years na, pero wala ka pa.:(' dinikit ko ulit yun sa dingding bago ko tuluyang binalik sa drawer ang sticky notes ko. Tumayo ako at lumabas. Naabutan ko naman sina kuya Gino with his girlfriend sa baba na nag uusap. Mukhang seryoso nga eh, kasi nung nakita ako ni kuya bigla syang tumahimik at sumandal sa sofa.
Ngumiwi ako, "opss, sorry," tsaka lang tumingin sakin si ate Cherry. Ngumiti sya ng tipid at ibinalik ang tingin kay kuya. Umiling ako at dumiretso sa kusina. Kumuha ako ng mug at nagtimpla ng kape.
"Oh, Yana, bakit hindi mo naman ako tinawag para ako na ang nagtimpla ng kape mo." Sabi ni manang. Nginitian ko lang siya at nag thumbs up lang ako. Sign na okey lang. Naalala ko tuloy si kuya kanina dito. Di kasi yun nagsasabi samin kung sino ang girlfriend nya.
At kung itatanong nyo kung kamusta na ako, isa lang ang isasagot ko, I'm okey. Si Yasi at Grey, five years ng in relationship at going strong pa. Ganon din naman sila Aliyah at ang iba pa sa barkada. Halos lahat na nga sila in a relationship na except lang siguro samin nina Bryan at Sapphire. Kasi naman ligawan stage pa lang yung dalawa kahit obvious naman na mahal na nila yung isa't isa. Sila Aril at Jake naman, finally naging sila rin. Last, last, last year lang hahaha. Ayy sila Pau nga pala ayun, they broke up. Pero okey nanaman sila ngayon. Back to normal na sila. Parehas na may bagong partners.
Si Renzel, si Akira. Ewan ko nga kung paano nangyari yun eh dati naman ayaw talaga ni Renzel kay Akira. Pero wala eh, they click together hahahaha. Si Pau naman, ayun, engage na sya, with Adrian.
At syempre ako, ako ang dakilang takbuhan nila pag meron silang problema. Minsan nakakainis kasi ang babawbabaw pinag aawayan pa nila at sakin pa talaga sila napunta. To the point na sablay din ang lablyp ko tsk! Pero kasi, naaawa ako sa kanila kaya sige. Push ko na talaga ang cupid at ang love adviser nila.
BINABASA MO ANG
I Love My Bestfriend
Teen FictionSi Yana Dela Videz at Kaizer De Guzman ay matalik na magkaibigan. Simula bata pa lamang sila ay lagi na silang magkasama. Kung asan ang isa, nandon din ang isa! Hindi mo na nga sila mapaghihiwalay! Halos lahat magkasama sila, magclassmate nga sila l...