Third Person's PoV"Tara na!" Sigaw ni Yasi sa kapatid. Ilang linggo na na din ang lumipas matapos ang pag alis ni Kaisler. At ilang linggo na ding pilit na ngumingiti si Yana sa lahat ng tao sa paligid nya.
Nalulungkot dahil wala na nga ang mahal nya pero pinipilit nyang maging masaya kasi magkikita pa naman sila. Umaasa syang magkikita pa sila kasi may pangako sila sa isa't isa.
Pagkadating ng magkapatid sa unibersidad ay agad silang sinalubong ng barkada. Sabay sabay na pumasok hanggang sa makarating sila sa kani-kanilang room.
Nang makarating sina Yana sa room nila ay agad syang naupo roon at tumungo.
"Ma, tabi tayo ah," sabi ng dalaga na tumabi kay Yana pero binaliwala nya lang ito. "Alam mo ba mama nakausap ko si–"
Mabilis pa sa isang segundo na napatunghay si Yana at sumagot sa dalaga. "Sino? Si Kaisler ba?" Mabilis na tanong nito habang may matamis na ngiti sa labi. Dahan dahan naman na umiling si Camille kaya nalungkot muli si Yana.
"Si ano–si Yasi yung nakausap ko. Sinabi nya sakin na lagi ka daw tulala. Okey ka lang ba talaga,mama?"
Tumango ito at tipid na ngumiti. Pero ang hindi alam ni Yana ay si Kaisler talaga ang nakausap ng kanyang anak anakan. Na nagsinungaling lang ito sa kanya dahil ayaw ng binata na sabihin ito kay Yana.
'Bakit ba kasi hindi sya nagpaparamdam?' Tanong ni Yana sa sarili. Kahit na ang totoo ay alam nya sa sarili ang sagot sa sarili niyang tanong.
'Ayaw niya nga pala, ayaw niyang magkaroon kami ng communication...' Sagot niya sa sarili.
"Mama!" Agad napalingon ang dalaga sa babae at kinunutan niya ng noo. Nagtatanong.
"Natutulala ka nanaman. Wag naman ganito, ma. Ayoko, namin na ganyan ka. Ayaw niya rin na ganyan ka,ma." Sabi ng dalaga. Tanging matipid na ngiti lamang ang iginanti ni Yana sa anak anakan.
Muling umiling si Camille dahil sa ngiti ng nanay nanayan niya. Humalik lang ito kay Yana at saka siya bumalik sa sariling upuan.
"Is she okey?" Tanong ng isang kaklase. Tumango lang siya at di na pinansin pa ang kaklase.
Someone’s PoV
"I heard lagi daw tulala si Yana, is she alright?" Tanong ni Mia. I shrugged at hindi siya pinansin. I just don't want to talk to her, that's it.
"Tss. Pipi ka ba?! O bingi?!" Umirap ako at tinalikuran sya. Nag umpisa na akong maglakad palabas nung maramdaman ko na papalapit sya. Hinarap ko siya at sinamaan ng tingin.
"Subukan mo, makakatikim ka sakin." Mariing sabi ko habang hawak ang kanang braso niya. She just glared at me bago magsalita at binawi ang braso niya.
"Siguraduhin mo lang na ginagawa mo ang trabaho mo." Sabi nito habang masama parin ang tingin sa akin. "Tss." Untag ko at tuluyan na silang iniwan sa loob.
"Sigurado ka bang titibag ka?" Napalingon ako sa lalaking nakasandal sa pader habang nakalagay sa magkabilang bulsa ang kamay.
Tipid lang akong tamango at nagpatuloy sa paglalakad. Hanggang sa naramdaman ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Tinapunan ko sya ng matatalim na tingin pero binaliwala nya lang yun.
BINABASA MO ANG
I Love My Bestfriend
Teen FictionSi Yana Dela Videz at Kaizer De Guzman ay matalik na magkaibigan. Simula bata pa lamang sila ay lagi na silang magkasama. Kung asan ang isa, nandon din ang isa! Hindi mo na nga sila mapaghihiwalay! Halos lahat magkasama sila, magclassmate nga sila l...