Chapter 36

218 9 0
                                    


Hindi ko madigest ang sinabi ni Kai.

"Anong sinabi mo?"

"Yana, mahal kita! Mahal parin kita! Kasi hindi ka naman nawala dito eh!"

"Ba-bakit?" Naguguluhan niyang tanong sakin. Dahil sinampal ko siya. Ewan ko, pero naiinis ako sa kanya.

"Ang gago mo Kai! So all this time na naging kayo ni Aril niloloko mo lang siya? Kai hindi ko inisip na magiging ganyan ka! Hindi ko naisip na kaya mo palang maging ganyan!"

"Yana hindi mo naiintindihan."

"Kai anong hindi ko naiintindihan? Kai ang liwanag nang sinabi mo! Mahal mo ko at ginamit mo lang si Aril! Tama diba? Kai naman!!!! Ang gago mo!!!! Ang gago gago mo!!!!!" Tumakbo ako palayo sa kanya. Hindi ko siya kinaya!!!! Hindi ko kaya na makita ang mata niya na malungkot. Hindi ko kaya.

"Ang gago mo Kai! Bakit mo nagawa 'to?"

Umiyak ako ng umiyak ng makarating ako sa bahah. Hindi ko nagawang makuha pa ang bag ko dahil tumakbo na agad ako dito sa bahay.

"Yana!" Isang sigaw ang narinig ko sa labas ng kwarto ko. Sigaw ng babae.

"Pasok! Bukas yan!" Narinig ko na bumukas ang pinto at nagulat ako nang makita ko si Aril. Hindi ko siya inaasahan dito.

"Anong ginagawa mo dito?"

*PAAAAAAK*

Napahawak ako sa kaliwang pisngi ko dahil sinampal niya ako. Sinampal ako ng pinsan ko!

"Ano bang problema mo?!" Inis na tanong ko. Wala ako sa mood makipag away dahil naiinis ako kay Kai!

"Ikaw ang problema ko! Alam mo bang naiinis ako sayo! Alam mo bang nakipaghiwalay sakin si Kaisler dahil sa'yo! Alam mo ba yon ha?" Bulyaw niya sa akin.

"Wait, what?!" Umilinh siya at humagulgol.

"Bakit ba kasi laging ikaw! Ikaw lagi yung gusto nila! Ikaw lagi yung mas best! Ikaw lagi yung tama! Ikaw lagi! Bakit ako lagi yung pangalawa? Sabihin mo nga Yana, bakit ganito?" Hindi ko alam kung bakit bigla siyang nag oopen sakin. Kahit hindi ko naman kasi sabihin, alam kong alam niya na naguguluhan din siya sa sinasabi niya.(or I might say na ang gulo ko talaga hahahahaha)

"Aril, hindi totoo ang sinasabi mo. Hindi naman ako ang laging best, ang tama, yung gusto nila at hindi ako lagi. Dahil ikaw din naman, sa paningin ko ikaw lagi. Kasi ikaw ang pinili ni Kai kesa sakin, ikaw ang mas ginusto niya kesa sakin, ikaw ang minahal niya kesa sakin." Ngayon, masasabi ko na totoong magpinsan kami. Yung hindi nag aaway, nagbabarahan, at nagpaplastikan.

Ito yung matagal ko nang hinahanap. Yung makausap ng ganito si Aril.

Pareho kaming naglabas ng sarili naming nararamdaman at mga gusto naming sabihin sa isa't isa.

"Friends?" Tanong niya. Ngumisi ako then I took her hand.

"Sure." Ngumisi rin siya tsaka kami nag yakap. Parang gumaan ang pakiramdam ko. Kasi at least nagsasama na kami ni Aril kagit ngayon lang. Dahil kung noon kahit sa bahay nila ay lagi kaming nagbabangayan.

Flashback

Nag lalaro kaming dalawa ni Yasi nung biglang pumasok si Aril sa bahay.

"What are you doing here?!" I yelled. I don't want that cousin of mine! I don't like her!

I Love My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon