Chapter 40

233 8 3
                                    


Sana hindi na dumating ang bukas. Sana palaging ngayon na lang, yung wala ng bukas. Sana. Kasi bukas, bukas na magiging kulang ang barkada. Bukas na aalis si Kaisler. Bukas na magiging kulang ang buhay ko. Bukas na aalis ng bestfriend kong mahal ko.

"Tsk! Yana naman 'wag ka nang umiyak!" Umiling ako tska ko tinakpan ang mukha ko.

Paanong hindi ako iiyak eh aalis ka na? Paanong hindi ako iiyak kung iiwan mo na ako? Paanong hindi ako iiyak kung iiwanan na ako ng mahal ko? Sige nga paano?

"Babalik ako! Babalikan kita, kayong lahat. Lalo ka na. Kaya 'wag ka ng umiyak." Tinanggal niya ang kamay ko sa mukha ko tska niya pinunasan ang luha ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang pinupunasan niya ang mga luha ko. Mamimiss ko 'tong mukhang 'to.

"Tsk don't stare." Umiwas ako ng tingin at nanatiling tahimik.

"Yana pag nasa Korea na ako, gusto ko wala lahat ng communication na meron tayo. Ayokong makausap ka, kahit sa facebook o kaya sa chat o sa text. Ayokong makita ka kahit sa picture sa facebook. Ayokong magkaroon ng kahit na anong communication sa'yo." Agad akong napatingin sa kanya. Ayaw niya? Bakit?

"B-bakit?"

"Para makapagfocus ako sa pag aral ko para mabilis akong makabalik dito. Para hindi kita sobrang mamiss pag nasa Korea na ako."

"O-okey. I'll cut all the communications between us. But please, promise me you won't have a girl there, please..."

"I promise. You too." Nginitian ko siya tsaka ako tumango.

"Wait me please." Tumango ulit ako at sa pagkakataong ito ay tumulo nanaman ang luha ko. Niyakap niya ako ng mahigpit. Ganon din naman ang ginawa ko habang naiyak ako.

"Shhh.."

Kinisan niya ako sa ulo ko kaya lalo akong naiyak. Paano pag umalis na siya edi lalo ko lang siyang mamimiss dahil sa ginagawa niya. Nakakainis siya!

"Yana, yung tungkol nga pala kay Jake." Tumingala ako at saka sumagot sa kanya. "Anong meron sa kanya?"

"Diba kayo na?" Humalakhak ako atsaka umiling. Pero napaisip ako, anong sasabihin ko kay Jake? Maiintindihan niya kaya ako?

"Don't worry I'll talk to him later." Nginitian ko siya at ganon din ang ginawa niya. Tumingin siya sa labi ko atsaka tiningnan ako ng masama.

"Tsk! That lips is mine!" Umirap siya tska niya ako hinalikan. Nagulat ako at napatigil. Mabilis lang iyon pero dama ko. Ang lambot ng lips niya.

"I'm sorry. Ikaw kasi! Nagpahalik ka dun sa mokong na 'yon! Lalo tuloy akong nagselos." Napayuko ako at natahimik. Nakita niya pala 'yon.

"I'm sorry." Paghingi ko ng patawad. Tumingin ako sa kanya at saka siya hinalikan sa pisngi.

"Kahit hindi ikaw ang naging first kiss ko ikaw naman ang naging first love ko." Sabi ko. Tumawa naman siya kaya napakunot ang noo ko. "Why?" Takhang tanong ko.

"Anong hindi ako? Ako kaya ang first, second, third and fourth kiss mo bago si Jake." Tumatawang sabi niya. Eh??

"Mworago?!?!?" Lalo lang siyang tumawa dahil sa naging reaksyon ko. Pero, at least siya parin ang first kiss ko hahaha.

"Kailan mo ko hinahalikan, you pervert!?" Tanong ko.

"Pag tulog ka. Ang lambot nga ng labi mo eh." Nag init ang buong mukha ko at pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko. Walang hiyang lalaking ito!!! Huwaaaaaa I'm going crazy!!!!!

"You jerk!!! Pervert!!" Humalakhak lang siya sa akin.

"Sa'yo lang naman. Yung bra mo nga ata nung isang araw ay kulay black na may strawberry na design." Ngumiti siya ng nakakaloko at tiningnan ang aking hinaharap.

I Love My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon