Chapter 17: Kami na Yana...Third person's PoV
Simula ng makatulog si Yana sa loob ng clinic ay parang nawala sa kanyang memorya ang mga problema at sakit na naramdaman nya noong naging mag on sina Kaizer at Aril.
Para bang nawala ito ng mag unpisa uli syang pumasok. Nagulat pa nga sya na ang katabi ni Kaizer ay si Aril.
Mula sa pagkakaupo, makikita sa mga mukha ng estudyante ang pagka bagot dahil sa itinuturo ng kanilang guro.
'Potek!! Napaka bagal naman ng oras! Tsk tsk tsk.' Sabi ni Yana sa kanyang isip.
"Okey class, meron kayong gustong itanong?" Tanong ng kanilang guro. Hindi umimik ang mga eatudyante pero ay umiling sila.
"Okey. May quiz tayo bukas. That's all for today, goodbye everyone!"
"Goodbye mam."
Paalis na sana si Yana ng hawakan ni Kaizer ang kamay nito.
Agad na napataas ang kilay ni Yana dahil sa ginawa ni Kaizer.
"Sabay na tayong dalawa." Sabi ni Kai.
"Wag na. May pupuntahan pa kasi ako e. Ge b----"
"Yana please, hindi mo nga ako iniimik kanina e. Halos lahat ata ng subject natin di mo ko kinakausap kaya please kahit sa pag uwi manlang sabay tayo, kausapin mo ko."
"Tss."
"Please..."
"Fine."
Sabay na lumabas ang magkaibigan para makauwi.
Tahimik silang naglalakad dahil walang gustong mag salita haggang sa nag salita si Kaizer.
"Yana...."
"Hmm?"
"Kami na Yana...."
Natigilan sa paglalakad si Yana dahil sa narinig nya. Unti unting bumalik yung sakit na nararamdaman nya nung nag propose at kumalat sa buong campus na mag on na sila Kaizer at Aril.
Hindi agad sya nakasagot dahil nasasaktan sya hanggang ngayon. Gusto nyang umiyak pero hindi nya magawa dahil ayawnyang makita ni Kaizer na naiyak sya.
"H-ha? Ahh talaga... M-masaya ako para sa iyo, sa inyo..."
"Masaya ka ba talaga Yana?"
"O-oo naman. Sige una na ko. Bye Kaizer..."
Agad na tumakbo si Yana palayo kay Kaizer dahil nangilid na ang luha nya.
'Hindi ako masaya Kai kasi nasasaktan ako. Ang sakit Kaizer ang sakit sakit.'
Samantala si Kaizer naman ay nagulat dahil sa pagtawag ni Yana ng buo nyang pangalan.
'Totoo bang mayasa ka Yana?'
Naglakad papalayo si Kaizer sa harap ng kalsada na papunta kila Yana at umuwi na malungkot.
Yana's PoV
"Yana...."
"Hmm?"
"Kami na Yana...."
Natigilan ako sa paglalakad dahil sa narinig ko... Ang sakit....
BINABASA MO ANG
I Love My Bestfriend
Teen FictionSi Yana Dela Videz at Kaizer De Guzman ay matalik na magkaibigan. Simula bata pa lamang sila ay lagi na silang magkasama. Kung asan ang isa, nandon din ang isa! Hindi mo na nga sila mapaghihiwalay! Halos lahat magkasama sila, magclassmate nga sila l...