Yana's PoV"Yana!! Tara na! Punta na tayo sa school nyo." Tumayo na lang ako at saka naglakad palabas. Nakakatamad. Parang ayoko na matuloy 'to. Ngayon na kasi yung Mr and Ms MAc. At ngayon na rin yung alis ni Kai tsk.
"Hi tita. Si Yana po?" Napatingin ako sa nagsalita. Si Kaisler.
"Siya ba yun Yana?" Tiningnan ko sina kuya atsaka tumango. Ngumisi naman sila ng nakakaloko bago hinila si Matthew at itinabi sakin.
"Alam mo na Matt." Sabi ni kuya Gino. Tumango lang si Matt at inakbayan ako. "Go with the flow na lang ha?!" Bulong pa niya. Kahit naguguluhan ay tumango na lang ako.
"Yana..." Nalipat ang tingin ko kay Kai dahil sa pagtawag niya. Kumunot ang noo niya ng makitang may kasama ako at nakaakbay pa sakin.
"Yow tol!" Bati ni Matt. Kung titingnan ay para kaming mag-on ni Matthew. Siguro kung katulad ni Kai na hindi kilala ang mga kuya ko ay aakalain nilang boyfriend ko nga si Matt lalo na't sobrang close kami sa isa't isa.
"Yow." Tipid na bati ni Kai.
"Kai nga pala, meet Matthew my–"
"Her fiancee. Nice meeting you??" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Matt. What the fuck?! Nalipat ang tingin ko kila kuya Gino dahil tumawa sila ng mahina. Tsk. Yeah I get it now.
"Kaisler. Her bestfriend." Sabi nito habang hindi inaalis ang tingin sa kamay ni Matt na nasa balikat ko.
"Oh Nice to meet you Kaisler." Matt tapos ay nginisihan niya lang si Kai. Para namang naasar si Kai dahil sa ginawa ni Matt kaya tinalikuran na lang niya kami bigla.
"It's not nice to meet you." Sabi ni Kai at nag-umpisa ng maglakad. Agad ko namang tinanggal ang kamay ni Matt at hinabol si Kai.
"Kai! Wait please." Tumigil siya pero hindi siya humaharap. "Kai he– he's not my fiance. He's–He's my b-brother..." Nakayukong sabi ko.
"Kapatid mo?" Tumango ako at nanatiling nakayuko. Naramdaman ko namang niyakap niya ako kaya napatingin ako sa kanya.
"You're not mad?" Ngumisi siya at umiling. Nginitian ko siya at niyakap pabalik. "Mamimiss ko 'to." Bulong ko.
Hinigpitan niya ang yakap niya sakin atsaka bumulong, "Me too. Saranghae..." Napapikit ako at pinigilan na maluha. Hindi pa 'to ang oras para umiyak. May mamaya pa, marami pang oras na natitira para sa araw na 'to.
"Tsk tara na nga! Ang drama eh!" Sabi ko atska siya hinawakan sa kamay at hinila pabalik samin.
"Bati na kayo? Ang bilis naman!" Sabi ni kuya Gino sabay tawa. Inirapan ko na lang siya at hindi pinansin.
"Anyway, Kai let me introduce to you my brothers. This is Justin, kuya Gino and Matt. Mga kuya, Kaisler, my bestfriend." Pakilala ko sa kanila. Nagtanguan naman sila at nag-'bro, tol, yow' tsk boys nga naman.
"Bestfriend ba talaga? Baka naman boyfriend hahahahahaha!!!" Sabi ni kuya Gino. Agad naman akong namula nung nagtawanan sila. Damn!
"Kuya!!" Sito ko rito. Imbes na tumigil at lalo pa itong tumawa. Nakakahiya.
"Nga pala! Meet my fiancee, Kiana Alfonso." Nalipat ang tingin nila kay Matt ng magsalita ito. Teka! Tama ba yung pagkakarinig ko, fiance? What the hell!! Akala ko girlfriend lang bakit fiance?! Tssss..
"Hi." Ngumiti ito pagkatapos mag-hi. Nginisihan ko siya ng tipid at hinila paalis doon si Kai.
"Oh bakit umalis tayo roon?" Tanong niya umiling ako at nagkibit balikat.
Tumawa lang siya at inakbayan ako. Umakap na lang din ako sakanya. Sa bewang niya.
"Alam mo, mamimiss kita ng sobra!" Sabi ko. Tumingin ako sa kanya, "sobra sobra." Dugtong ko pa. Ngumiti lang siya at umiling. We just stay in this position for a couple of minutes.
BINABASA MO ANG
I Love My Bestfriend
Teen FictionSi Yana Dela Videz at Kaizer De Guzman ay matalik na magkaibigan. Simula bata pa lamang sila ay lagi na silang magkasama. Kung asan ang isa, nandon din ang isa! Hindi mo na nga sila mapaghihiwalay! Halos lahat magkasama sila, magclassmate nga sila l...