Chapter 35

227 9 0
                                    


Yana's PoV

Ilang saglit ko pa siyang tiningnan bago ako tumango tango. I'm not convince pero tumango pa rin ako.

"Walang kwenta ba kamo?" Tanong ko ulit. Nag dadalwang isip ako kung ganyan lang ba talaga siya umasta o iba ang pinapakita niya kay Iyah pag silang dalawa lang ang magkasama. Hindi ko kasi siya kilala.

"Oo. Walang kwenta." Pinagdiinan niya yung salitang walang kwenta at tinalikuran ulit kami.

"Hindi walang kwenta 'to dahil si Iyah ang pinag uusapan natin dito! If it is non sense for you then go! Get the hell out of this shop. Pero asahan mo na hinding hindi mo na malalapitan pa si Iyah," Tiningnan ko siya sa mata at saka nagpatuloy.

"It's your decision after all. Let's go Iyah. And this, take it." Inilagay ko sa ibabaw ng table ang card number ko.

"Call me if your feelings is true." After that, umalis kami sa coffee shop.

"Gagala pa ba tayo?" Tanong ko kay Iyah. Tiningnan ko siya at parang hindi niya narinig ang sinabi ko.

"Iyah." Napatingin siya at kinunot ang noo.

"Po?" Umiling na lang ako saka siya niyakap.

"I'm sorry okey. Sana hindi ko na lang pinush na makipag usap sa lalaking 'yun. Sorry Iyah." Humiwalay siya sa yakap ko kaya nakita ko na umiiyak siya.

"Ano kaba ate! Mabuti nga na kinausap natin si Jerson eh, dahil kung hindi baka hindi ko pa nalaman na ganon siya. See ate, ngayon alam ko na, kaso masakit nga lang. Pero okey lang atleast nalaman ko diba? Kaya okey lang ate Yan." Ngumiti siya pero malungkot ito. Napayakap na lang ulit ako at sa pagkakataong ito at ramdam ko na nababasa ng luha niya ang damit ko.

Napalingon ako sa gawi ng coffee shop at nakita doon si Jerson. Nakatingin siya sa gawi namin at malungkot ang mga mata.

***

Umuwi din kami kaagad ni Iyah pagkagaling namin sa Mall. Umakyat ito agad kaya't hinayaan ko na lang siya since nasaktan talaga siya don. Kahit naman siguro iba ang makaranas ng ganon, pag na fall ka at malalaman mo na trip ka lang pala niya. Ang sakit kaya noon!

Nagpaalam na rin ako kay Kai na uuwi na rin ako. Napagod din ako sa ginawa namin ni Iyah.

Nakakainis lang talaga iyang Jerson na 'yan! Kung siya kaya ang pagtripan? Tsssk nabubwisit ako! Pero sa t'wing maalala ko yung mukha niya nung tumingin ako sa coffee shop, naaaw ako sa kanya. Tsssk buhay parang life.

"Oh bakit ngayon ka lang?" Napalingon ako sa pinto ng kwarto nung may nagsalita. Agad ko siyang binato ng unan na sinalo naman niya.

"Anong ginagawa mo rito?" Inis na tanong ko. Bakit ba kasi nandito itong lalaking 'to?!

"Wala bumibisita lang. Don't you miss me? Kasi ako miss na miss kita." Nakangisi nitong sabi sa akin. Naalibadbaran ako sa pagmumukha ng lalaking 'to!

"Naka uwi na pala kayo? Kailan pa?" Tanong ko na lang.

"Aww change topic. Anyway, hindi! Anino ko lang 'to nasa eroplano pa kasi ako." Natatawa tawang sagot niya. Inirapan ko siya kaya lalo itong humalakhak.

"Kanina lang." Sagot niya habang nahiga sa kama ko. Bakit ba ang hilig nilang mahiga sa kama ko? Kainis! Si Matt ganon din, siya ganon din!

"May sinabi ba akong pwede ka rito sa kwarto ko? Ha?" Tumawa siya bago niya ako sagutin.

"Wala pero si Yasi, oo. Bakit inyong dalawa naman 'tong kwarto niyo ah?" Inirapan ko na lang siya at tinulak palabas. Humalakhak naman siya habang hinihila ko siya.

I Love My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon