Yana's PoVNapatunghay ako nung magsalita ang president namin.
"Guys!!!! I need your attention please!!" Sigaw nito sa amin. Agad na nagsipagbalikan ang mga kaklase ko sa kanya kanya nilang upuan at nakinig sa president namin.
"Okey salamat! Nabago ang agenda ng school. Since tapos na ang intrams, pag iisahin na lang nila ang Mr. And Ms. MAc at ang foundation day. Yun ang sabi samin ng president ng SSG."
Kumunot ang noo ko, "tapos?" Tumingin silang lahat sakin tapos tumingin ulit kay Chelsea.
"Sabi ko nga mr and ms na so dapat meron tayong representative. Dalawang babae at dalawang lalaki. Nakausap ko na yung kabilang section kung same lang din sa kanila and yes. Nakakapanibago man kasi dalawa ang kukunin kada isang section pero kailangan meron tayong representative."
Alam kong pinapatagal niya lang at naiinis ako dahil gusto kong matulog. Umubob ako ulit at hinayaan silang mag meeting.
"Eh sino ang representative natin?" Tanong ng isa kong kaklase.
"Good question. Sino nga ba ang gustong maging representative?" Walang sumagot kaya tumunghay ako.
"What?!" Iritang tanong ko. Nakatingin silang lahat saakin pwera sa isa. Si Kai. Well ayaw ko rin naman siyang tumingin sa akin. Nga pala nagbago ang aeat plan namin. Magkatabi na kami ni Jake at ang katabi naman niya ay si Aril.
"Gusto nila na maging representative ka." Bulong ni Jake. Tumingin ako sa kanya tska ako umiling. "Tsss"
"Okey, since walang may gusto. Voting session tayo! Sino gustong magsuggest ng pangalan? C'mon!"
"Aril!" Nagulat si Aril tska suya luminga linga para hanapin ang nagsabi ng pangalan niya. Nahagip naman ng tingin niya ako kaya ngumiti siya at umiling ngumisi naman ako tska siya binigyan ng mapang asar na ngiti. She rolled her eyes then she stood up.
Pumunta siya sa unahan kasi ganon naman talaga. Pag voting session namin pag napili ka puputa ka sa unahan.
"Okey, another?" Nagtaas ng kamay itong katabi ko kaya nasa kanya lahat ng atensyon namin.
"Yana please." Sbi nito. Namilog naman ang mata. Nang makaupo ito at kinurot ko siya. "I hate you!" Sabi ko. Tumayo naman ako tsaka ako pumunta sa harapan. Nginisihan ako ni Aril kaya napanguso ako.
"OH MY GOD!! Did you see that brent! Nag pout si Yana!! Gosh!! Tell me I'm not dreaming!! Nag pout siya grabe!! Ang cute niya." Napatingin aka kay Gillane atsaka siya nginitian. Nag sign ako ng h'wag siyang maingay. Tumango tango naman siya kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Oh look! Ang dalawang magkatunggali! This is interesting." Sigaw ng kaklase ko.
"Sino pa? Wala na ba?" "WALA NA!!!" napatakip kami ng tenga ng sumigaw ang mga ito ng pagkalakas lakas.
"Easy guys! Nasa harapan niyo lang kami. Okey kung wala na aba edi etong dalawa na ang muse natin. Okey you two can take your seats now. Next ay ang escort. Dito na lang tayo mag botohan kung sino ang magiging escort ni Yana and Aril."
"Si Kaisler!!!" Napalingon ako sa gawi ni Kai. Parang bored na bored siya ngayon. Tumayo siya tska pumunta sa harapan.
"Tska si Jake pres!!"
Tumayo naman ang katabi ko at lumapit sa unahan.
"Okey! Sino gustong bumoto kay Kaisler para maging partner ni? Nino nga ba?" Tinawag niya ulit kami tska nagbotohan. Lamang lang ako ng tatlong puntos kay Aril.
"So mas madami kay Yana. Ngayon boto naman kayo for boys. Kung sino ang mas maraming votes siya ang kapartner ni Yana."
Nagsitaasan ng kamay ang mga kaklase ko nung si Kai ang binanggit na pangalan. 17 votes para kay Kai. Next naman ay si Jake. 13 votes naman para kay Jake.
BINABASA MO ANG
I Love My Bestfriend
Teen FictionSi Yana Dela Videz at Kaizer De Guzman ay matalik na magkaibigan. Simula bata pa lamang sila ay lagi na silang magkasama. Kung asan ang isa, nandon din ang isa! Hindi mo na nga sila mapaghihiwalay! Halos lahat magkasama sila, magclassmate nga sila l...